ALAMIN: Parusa sa patagong pagkuha ng 'maseselang' video | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Parusa sa patagong pagkuha ng 'maseselang' video

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2018 04:05 PM PHT

Naglunsad ng imbestigasyon nitong linggo ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa umano'y pagkakabit ng spycam ng isang guro sa banyo ng paaralan sa Alimodian, Iloilo.

Bagama't humingi na ng tawad ang guro, maaari pa ring parusahan ito batay sa mga umiiral na batas, ayon sa isang abogado.

Nakasaad kasi sa RA 9995 o "Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009" na bawal kumuha ng video o retrato sa mga pribado at sensitibong lugar tulad ng kubeta o mga fitting room kung walang pahintulot o consent ng kukuhanan nito, lalo na kung may kaugnayan sa mga sexual act.

Kahit walang ginagawang sexual act ang mga estudyante sa naturang banyo, ipinaliwang ni Atty. Claire Castro na posibleng managot pa rin ang guro dahil maaaring nagtangka itong mamboso.

"Kahit sabihin nating walang ginagawang sexual act...kapag 'yung isang tao nasa isang sitwasyon na may privacy siya, dahil alam niya na walang makakakita sa kaniya pero [ginawa mo 'yun] para makasilip ka," aniya sa "Usapang de Campanilla" nitong Biyernes.

"Alam mo naman ang ginagawa ng mga kababaihan sa [kubeta] it's either tinaasan niya ang uniform, nagbibihis, na alam mo sa sarili mo ba walang makakakita, pero doon mo inilagay so may intensiyon siyang manilip." paliwanag pa ni Castro.

Pasok rin sa nasabing batas ang mga kinukuhanan nang patagong retrato o video na nakakahiya at malisyoso para ma-upload sa social media.

Makukulong nang tatlo hanggang pitong taon at mumultahan mula P100,000 hanggang P500,000 ang mga mapapatunayang lumabag dito.

Kung mahatulan naman at mapatunayang lumabag dito ang guro, maaari ring ipawalangbisa ang kaniyang teacher's license.

Nag-leave ang guro sa trabaho habang patuloy ang imbestigasyon.