'Paglobo ng bilang ng mga batang ina, pabigat sa ekonomiya' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Paglobo ng bilang ng mga batang ina, pabigat sa ekonomiya'

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2017 01:13 AM PHT

Nababahala ang Population Commission sa pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa dahil pabigat umano ito sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon pa sa datos ng Philippine Statistics Authority, 200,000 Pilipinong teenager ang nabubuntis taon-taon mula 2011 hanggang 2015.

Katumbas nito ay isang milyon sa loob ng limang taon.

Ayon sa PopCom, nakababahala ito dahil magiging pabigat umano ang sitwasyon sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa PopCom, nakababahala ito dahil magiging pabigat umano ang sitwasyon sa ekonomiya ng bansa.
ADVERTISEMENT
Sa katunayan, sa pag-aaral ng United Nations Population Fund, higit P33 bilyon ang maaaring mawawalang kita sa mga pamilyang Pilipino, at pati na sa kalakal ng bansa kapag ang pinuno ng tahanan ay isang menor de edad.

Pero naniniwala ang PopCom, hindi porke't nabuntis nang maaga ay magiging habambuhay nang pasanin sa lipunan.

Kaya isinusulong ng ahensiya sa Kongreso na maipasa ang "Teen Pregnancy Prevention Law" na tutulong sa mga batang ina na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Kung sakaling maisabatas, magkakaroon ng komprehensibong programa para tulungan ang mga batang ina.

Puwede na rin silang bumalik sa pag-aaral o 'di naman kaya'y magsimula ng negosyo, dagdag ng ahensiya.

Ayon sa PopCom, mahalaga ring matalakay sa elementarya pa lamang ang reproductive health education upang maging maalam ang kabataan tungkol sa pagbubuntis at pagsisimula ng pamilya.

Mahalaga rin anila ang suporta ng pamahalaan sa mga batang ina upang mabigyan sila ng pagkakataong maging produktibong mamamayan.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Read More:
Bandila
PatrolPH
tagalog news
balita
teenage pregnancy
Teen Pregnancy Prevention Law
Apples Jalandoni
Population Commission
Philippine Statistics Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT