Babae patay sa meningococcemia sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay sa meningococcemia sa Batangas

Babae patay sa meningococcemia sa Batangas

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 01, 2019 07:13 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang babae sa Tanauan City, Batangas ang kumpirmadong namatay dahil sa meningococcemia habang 3 iba pa ang hinihinalang nasawi rin sa nasabing sakit.

Kinumpirma ni Dr. Eduardo Janairo, direktor ng Department of Health (DOH) sa Calabarzon, ang pagkamatay ng isang 53 anyos na babae dahil sa meningococcemia.

Galing umanong Dubai sa United Arab Emirates ang babae at binawian ng buhay noong Setyembre 21 sa isang ospital sa Tanauan, ani Janairo.

Samantala, hinihintay pa ng DOH-Calabarzon ang resulta ng pagsusuri sa blood sample ng 3 namatay sa Lian, Nasugbu at San Jose na hinihinalang dahil din sa meningococcemia.

ADVERTISEMENT

Ang meningococcemia ay malubhang sakit dulot ng bakterya. Maaari itong magdulot ng impeksiyon sa utak, gulugod at dugo.

Maaaring mahawa ang isang tao ng meningococcemia sa pamamagitan ng pag-ubo at paghalik.

Ilan sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo, sore throat, pananakit ng kalamnan, pagsusuka at pagkakaroon ng rashes o mga pantal.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.