300 kilong bangus na mula sa fish kill, nasabat sa Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

300 kilong bangus na mula sa fish kill, nasabat sa Pangasinan

300 kilong bangus na mula sa fish kill, nasabat sa Pangasinan

Joanna D. Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

Bukod sa pagsabat sa 11 container na naglalaman ng bangus, inaresto rin ang may-ari nito at 3 pa niyang kasamahan. Larawan mula sa Sual PNP

SUAL, Pangasinan – Isang delivery truck na may kargang 11 container na puno ng bangus na mula sa fish kill ang nasabat ng awtoridad sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion, sa bayang ito Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Fredwin Sernio, hepe ng Sual Police, nakatanggap sila ng impormasyon na may truck na may lamang patay na bangus na ibebenta umano sa lungsod ng Dagupan.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga pulis kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at municipal agriculturist, at nakumpirmang ang lamang mga bangus ay hindi pwedeng ibenta at kainin.

Inaresto rin ng awtoridad ang 46-anyos na ginang na may-ari ng truck at ang tatlo nitong kasama.

ADVERTISEMENT

Umaabot ng 359 kilo ang nasabat na bangus na ibebenta sana ng P140 kada kilo sa palengke.

Iniimbestigahan naman ngayon ng Municipal Agriculture Office kung sino ang operator at kung saan galing ang mga bangus.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mga inaresto na kakasuhan ng paglabag sa Fisheries Code of the Philippines at Consumer Act.

Matatandaan na noong Martes, kinumpiska sa Dagupan ang aabot sa 900 kilo ng bangus na galing sa Sual, Pangasinan.

Binalaan naman ng City Agriculture Office ang mga operator at traders na huwag magbenta ng mga gataw na bangus dahil kung mahuli ay maaaring tanggalan ng permit para makapag-operate ng fish cages sa bayan ng Sual.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.