Grupo lumikha ng palay na kayang mabuhay sa tag-init, tag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grupo lumikha ng palay na kayang mabuhay sa tag-init, tag-ulan

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2019 08:39 PM PHT

Tuwing bumabagyo at kapag tagtuyot kadalasang nadadama ng magsasaka ang epekto ng panahon sa kanilang kabuhayan.

Dahil dito, lumikha ang grupong Magsasaka at Siyentipiko Para sa Pag-Unlad ng Agrikultura (MaSiPag) ng iba't ibang binhi ng palay na akma sa climate change.

Mahigit 2,000 klase ng palay ang nagawa ng MaSiPag, na kayang labanan ng tagtuyot, baha, saltwater, mga peste, at iba pang sakit ng palay.

"May mga dinevelop ang MaSiPag na mga drought-tolerant na mga varieties ng palay na bagay sa kanilang pangangailangan," ani Lucille Ortiz, research education and training unit officer ng MaSiPag.

Ipinakita nila ang mga ito sa kanilang demo farm sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Iginiit din nila ang kalahagahan ng proyekto para mapanatili ng mga magsasaka ang kanilang inaani sa panahon ng climate change o iyong pabago-bagong panahon.

"Mahalaga na makalikha tayo ng mga binhi ng palay na kayang maka-adapt sa climate change para sa food security ng mga Filipino dahil ang mga magsasaka ang lumilikha ng pagkain ng bayan,” ani Cris Panerio, national coordinator ng grupo.

Sa demo, nagpahayag ng kanilang pagtutol sa rice tariffication law ang ilang magsasaka gaya ni Rodolfo Cortez.

Umaaray din si Cortez sa "pambabarat" umano ng ilan sa mga magsasaka.

"Binabarat ang magsasaka, binibili sa mababang presyo ang palay samantalang napakataas ang cost of production ng palay," ani Cortez.

Umaasa naman ang MaSiPag na makakatulong ang kanilang programa para mapaganda ang ani ng mga magsasaka.

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
palay
MaSiPag
Magsasaka at Siyentipiko Para sa Pag-Unlad ng Agrikultura
kabuhayan
farmers
farmers welfare
food security
Nueva Ecija
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT