3 patay sa sunog sa Tondo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay sa sunog sa Tondo
3 patay sa sunog sa Tondo
Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 11, 2019 09:49 AM PHT
|
Updated Sep 11, 2019 06:48 PM PHT

MAYNILA - Nasawi ang 3 miyembro ng isang pamilya sa sumiklab na sunog sa 10 bahay sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Unang napaulat na nawawala ang mag-inang biktimang sina Mara Beneza, 23, at Leo Lance Tequillo, 4, at pamangking si Andrei Tequillo, 5.

Natagpuan silang magkayap sa loob ng kanilang nasunog na bahay, ayon kay Fire Insp. John Joseph Jalique, chief of intelligence and investigation ng Manila Fire District.

Positibong kinilala ang mga biktima ng kanilang kamag-anak na si Michelle Bacanza, residente rin sa lugar.
Positibong kinilala ang mga biktima ng kanilang kamag-anak na si Michelle Bacanza, residente rin sa lugar.
ADVERTISEMENT
3 patay sa sunog sa Honorio Lopez, Tondo Maynila. Kabilang dito sina Mara Beneza, 23-anyos, anak nitong si Leo Lance Tequillo, 4-anyos at pamangking si Andrei Tequillo, 5-taong gulang na na-trap sa nasunog nilang bahay. pic.twitter.com/KaqwTCsVuP
— Johnson L. Manabat (@JohnsonManabat) September 11, 2019

Ayon kay Bacanza, na-trap sa loob ng bahay ang magkaanak sa kasagsagan ng sunog.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sinasabing nagsimula alas 6:17 ng umaga.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at kabilang sa mga tinitingnang anggulo ay arson dahil pinapaalis na umano ang mga residente sa lugar.

Ayon kay Bacanza, may nauna nang nagbanta sa kanila na susunugin ang kanilang bahay kung hindi pa sila tuluyang aalis sa lugar.