Korupsiyon sa gobyerno, mala-virus na ang pagkalat: Drilon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Korupsiyon sa gobyerno, mala-virus na ang pagkalat: Drilon

ABS-CBN News
Published Sep 02, 2021 08:35 PM PHT

MAYNILA - Tila virus na tuloy sa pagkalat at mahirap na pigilin.

Ganito inilarawan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang umano'y korupsiyon sa ilalim ng Duterte Administration, gaya ng nabubungkal ngayon sa Senado.

Ayon sa datos na nakalap ng tanggapan ni Drilon, P27.72 kada piraso ang presyo ng face mask sa Pharmally Pharmaceutical Corp - ang kompanyang pinagkukuhanan umano ng medical supplies ng gobyerno.

Mas mataas umano ito sa P16 hanggang P17.50 kada piraso na inaalok ng ibang kompanya.
Mas mataas umano ito sa P16 hanggang P17.50 kada piraso na inaalok ng ibang kompanya.
ADVERTISEMENT
Nasa P1,720 kada piraso naman ang presyo ng kompanya sa test kits, na mas mataas umano sa P925 kada pirasong inaalok ng ibang kompanya.

Nasa P1,910 kada piraso naman umano ang inaalok ng Pharmally para sa personal protective equipment - mas mahal sa P945 na inaalok umano ng ibang kompanya.

Nasa P120 naman ang inaalok umano ng Pharmally sa kada piraso ng face shield.

Umabot sa P8.6 bilyon ang binili umano mula sa Pharmally, gamit ang P42 bilyong pondo ng DOH na ipinasa sa procurement service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) -- nang walang nakasuportang memorandum of agrement.

Isa lang umano ang transaksiyon sa mga kaso ng katiwalian na naimbestigahan ng Senado sa ilalim ng administrasyon.
Isa lang umano ang transaksiyon sa mga kaso ng katiwalian na naimbestigahan ng Senado sa ilalim ng administrasyon.
ADVERTISEMENT
Tinawag niya itong "Planned Plunder virus."

"We have been hearing about the variants of the pandemic. Similar to these variants, the Blue Ribbon (Senate committee) has discovered that there is a new variant called 'Planned Plunder.' It is a virus which spreads all over bureaucracy. You hear about the 'pastillas' scam; you hear about the BI (Bureau of Immigration) commissioners; you hear about corruption in (Bureau of) Customs. This corruption is like a variant. It mutates," ani Drilon.

Sinabi ni vaccine "czar" Carlito Galvez Jr na sila mismo ang lumapit sa China para mabilis na mai-deliver ang supply ng medical supplies sa Pilipinas.

Pero tanong ni Drilon: Bakit pa gumamit ng middleman na gaya ng Pharmally kung nakadiretso na ito sa China?

"Bakit pa ginamit ang Pharmally. Bakit naging middle man ang Pharmally. Kailangan ba may middle man? Eh puwede naman pong, kinakausap 'yung ambassador, the ambassador is the representative of the Chinese government. And therefore they could explore the possibility of having a government-to-government transaction here. Ang middleman po Pharmally. Magkano ang kinita? P284 million," ani Drilon.

Sagot naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi hamak na mas mahal ang mga biniling PPE noong panahon ng administrasyong Aquino.

Ani Roque: "P1,700 sabi nila, overpriced. Eh, ang binili ng administrasyon ni Presidente Aquino, P3,500. Kailan? September 28, 2015. Matter of days bago bumaba sa puwesto ang Aquino administration, magkano ang binili nilang PPE? PP3,800, June 23, 2016."

Buwelta naman ni Drilon na tila nililhis nina Roque ang isyu.

"We will not be distracted, Secretary Roque, you act like a troll. You should be man enough to know that when a 625,000 (peso) company would be awarded supply contacts of over P6.7 billion in two months time…there is a whiff of corruption that you should be man enough to admit merits an investigation. You cite the purchases of the Department of Health during the Aquino administration…that was five years ago, sir, we are now 2021. Number 2, there is no COA report of questionable transactions," aniya.

Target pa ng senador na alamin kung paano makakahingi ang Senado ng hold departure order para sa mga opisyal ng kompanya, maging kay dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na nanguna sa pagbili ng suplay sa Pharmally at iba pang umano'y napaborang mga kompanya.

Iginiit din ni Roque na nasa bansa lang si Lao.

"Hindi ko po alam kung nasaan siya. Pero nakausap ko po siya sa telepono at mukha namang wala pong indikasyon na wala po siya sa bansa. But of course the Senate can do whatever it wants," ani Roque.

Ipinagtanggol din ng Malacañang ang mga opisyal ng Pharmally na una nang ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros na may mga kaso sa Taiwan.

"Madam Senator, sa batas po we have a principle that a corporation has a separate personality, separate and distinct from the stockholders. Eh ang nag-bid po iyong korporasyon so hindi naman po kinakailangan busisiin talaga iyong personalidad nasa likod ng korporasyon kasi nga po separate personality iyon," ani Roque.

Sabi pa ni Roque, kakayahang mag-supply ng bidder ang dapat tinitingnan sa usapin.
Sabi pa ni Roque, kakayahang mag-supply ng bidder ang dapat tinitingnan sa usapin.
ADVERTISEMENT
Pero sagot naman ni Sen. Panfilo Lacson na importante ang presyo ng produkto sa pagdedesisyon kung ano na ang bibilhin ng gobyerno dahil pera ng taumbayan ang ginagastos dito.

"But price matters even more at this time, especially if there is gross overpricing of medical supplies involving billions of pesos in public funds while millions of Filipinos are losing their jobs due to the pandemic," ani Lacson.

Tiniyak naman ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na magpapatuloy ang imbestigasyon, at tumangging galawang politika lang ang ginagawa ng mga senador.

Nagbabala naman si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa pananakot ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya padadaluhin sa pagdinig ang kaniyang Gabinete.

Hirit naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na limitahan ang papel ng PS-DBM hanggang sa pagbili lang ng common- use supplies. Dapat din aniyang pagbawalan ang mga ahensiyang maglipat ng pondo sa Philippine International Trading Corporation.

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
COVID-19
Duterte
President Rodrigo Duterte
administration
Franklin Drilon
Harry Roque
Vicente Tito Sotto III
Panfilo Lacson
korupsiyon
korapsyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT