Nurse na pinatay sa QC, inilibing na sa Ilocos Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nurse na pinatay sa QC, inilibing na sa Ilocos Norte

Nurse na pinatay sa QC, inilibing na sa Ilocos Norte

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

Pamilya, hiling na ibalik ang parusang kamatayan

ILOCOS NORTE - Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang 23-anyos na si September Paz, ang nurse na pinatay sa loob ng kanyang inuupahang boarding house sa Quezon City noong Agosto 20.

Grace Alba, ABS-CBN News

Bago ihatid ang bangkay nito sa Barangay 2 Public Cemetery sa Sarrat, Ilocos Norte, daan-daang tao ang dumalo sa isang misa sa Santa Monica Parish Church.

Bumuhos ang luha at halos lahat ay nag-alay ng bulaklak sa pinaslang na dalaga.

Lahat ng kanyang mga kaanak at kaibigan, nagsuot ng puting t-shirt na may mukha ng dalaga na may mensaheng mahal at mami-miss nila ito.

ADVERTISEMENT

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang mga kaanak ni Paz na wala na siya.

Para sa kanila, naihatid man siya sa huling hantungan ay hindi maibabaon ang pakikipaglaban nila para makamit ang hustisya.

Hiling ng amang si Celo Paz kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty na dapat raw na parusa sa may kagagawan sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang anak.

"Sana maibalik ang death penalty para hindi na maulit ang ganitong mga karahasan. Kahit sampung buhay ang ipalit niya, hindi niya matutumbasan ang buhay ng anak ko," sabi ng ama.

Grace Alba, ABS-CBN News

Nakilala ang suspek sa pagpatay kay Paz na si Jeffrey Guarin, residente ng Barangay Kristong Hari, Quezon City matapos itong sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) ilang araw matapos ang krimen.

Ayon sa imbestigasyon, nakipag-inuman muna ang suspek at sa kalasingan ay pinagnakawan ang tinutuluyan ng nurse.

Ngunit nagising si Paz, dahilan para pagsasaksakin siya ng suspek ng 19 beses.

Ayon sa pamilya, naihabla na ang kasong attempted robbery with homicide laban kay Guarin pero sana raw ay mas mabigat na kaso ang ipataw rito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.