7 suspek sa pagdukot, pagpatay sa lalaki sa Batangas, kinasuhan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 suspek sa pagdukot, pagpatay sa lalaki sa Batangas, kinasuhan na

ABS-CBN News
Published Aug 30, 2022 07:48 PM PHT

Natukoy na ng mga awtoridad ang dahilan at sinampahan na ng kaso ang pitong suspek sa pagpatay sa lalaking dinukot sa gasolinahan sa Taal, Batangas noong Agosto 16.

Ayon sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, Martes ng umaga ay sinampahan na ng kasong kidnapping with homicide ang mga suspek sa Batangas City kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Eugene Del Rosario.

Si Del Rosario na tubong Tondo, Manila at residente ng Lemery, Batangas ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isang gasolinahan sa Taal Diversion Road noong gabi ng Agosto 16 pagkakababa nito ng bus galing Maynila.

Kinabukasan, Agosto 17, natagpuan itong patay at may tama ng bala sa ulo sa Barangay Bignay 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Ayon sa pulisya, positibong nakilala ng mga witness ang isa sa mga suspek dahil hindi umano ito nakasuot ng mask habang nag-guide sa pagmamaniobra ng dalawang ginamit na sasakyan sa pagdukot.

Naging viral din ang video ng pagdukot matapos na ito ay makuhanan ng CCTV ng gasolinahan.

Hindi naman natutukoy pa ang anim pang suspek.

Ayon sa Batangas PNP, ang mga suspek ay miyembro ng "bukas kotse" gang.

Onsehan umano sa pera ang dahilan ng pagpaslang sa biktima.

- ulat ni Ronilo Dagos
- ulat ni Ronilo Dagos
KAUGNAY NA ULAT
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT