Mga batang lansangan kinukupkop ng Bantay Bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga batang lansangan kinukupkop ng Bantay Bata

Mga batang lansangan kinukupkop ng Bantay Bata

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 23, 2019 09:30 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tila paraiso para sa 15 anyos na si Jasmine Tabuan ang Children's Village ng Bantay Bata 163.

Isang buwan lang kasi ang nakakaraan, sa kalsada sila naninirahan ng 8 niyang kapatid.

"Minsan po 'yong mga kaibigan ko po, pinapatulog po ako sa mga bahay nila, tapos sinasama ko po 'yung kapatid ko na maliit," ani Jasmine sa panayam ng ABS-CBN News.

Ayon sa ama ni Jasmine na si Lope, hirap siyang makahanap ng tahanan para sa 11 niyang anak.

ADVERTISEMENT

Sa pagmamaneho ng traysikel binubuhay ni Lope ang 2 anak na naiwan sa kaniya.

"Sobrang nahiya na ako sa barangay. Halos lahat ng staff ng barangay, mga empleyado ng barangay, tumutulong sa pagkain," ani Lope.

"Wala na akong magagawa, pumayag na ako sa Bantay Bata," dagdag ng ama.

Sa Bantay Bata Children's Village, pinupuno ang araw nina Jasmine ng mga aktibidad para sa social at emotional development ng mga bata.

Binibigyan din sila ng masustansiyang pagkain.

"Yong baby po namin, ang laki po ng pinagbago ng katawan nya, kasi po dati buto't balat lang po siya," ani Jasmine.

"Sabi ko nga po sa Papa ko, 'Saka niyo na ako kunin kapag nagpasundo na po ako. Kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral,'" dagdag niya.

Kabilang sina Jasmine sa mga batang hinahanapan ng Bantay Bata ng scholarship para maipagpatuloy ang pag-aaral.

May 250,000 batang naninirahan pa rin sa lansangan sa Metro Manila, ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Ilan lamang sina Jasmine sa mga sinisikap na mailigtas mula sa peligro, at mabigyan ng tahanan, edukasyon, at magandang kinabukasan.

Isa ang pagbibigay sa mga bata ng ligtas at masayang tahanan sa mga pangarap ng yumaong pinuno ng ABS-CBN Foundation na si Gina Lopez nang itatag niya noong 1997 ang Bantay Bata 163.

-- Ulat ni Jing Castañeda, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.