Mga manufacturer ng gamot apektado rin ng pagsipa ng presyo ng asukal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga manufacturer ng gamot apektado rin ng pagsipa ng presyo ng asukal

ABS-CBN News
Published Aug 18, 2022 01:11 PM PHT
|
Updated Aug 18, 2022 08:11 PM PHT

(UPDATE) Bukod sa mga kakanin, tinapay, kendi at biskuwit, ramdam na rin ng mga gumagawa ng gamot ang pagmahal ng asukal sa bansa.

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association President Higinio Porte Jr. na apektado ang produksiyon nila ng ilang syrup at suspension -- isang klase ng likidong gamot -- na 20 hanggang 30 porsiyento ng formulation ay gawa sa asukal.

Hindi naman umano puwedeng magtaas ng presyo ang mga manufacturer ng gamot.

Nanawagan ang grupo sa gobyerno na palakasin ang lokal na produksiyon ng asukal, na siyang pinagkukuhanan nila ng raw materials, dahil mahal din ang imported na alternatibo nito.

"Ang ginagamit namin ay special sugar, 'yong refined sugar... ngayon umaabot na sa P100 per kilo kaya ina-absorb ito ng mga manufacturer," ani Porte.

Magugunitang umabot nitong Agosto sa P100 ang presyo ng kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan dahil umano sa kakulangan ng supply.

Dahil dito, suportado ni United Sugar Producers Federation President Manuel Lamata ang panawagang inspeksyunin at iimbentaryo ang mga bodega ng asukal sa bansa.

Ayon kasi sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc., mayroon pa ring 171,000 metric tons ng asukal sa bansa.

Iginiit ni Lamata na patuloy rin ang anihan ngayon ng 5 malalaking sugar mills, na inaasahang magbabagsak ng supply sa merkado sa kalagitnaan ng Setyembre.

Samantala, nakipagpulong naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senate President Juan Miguel Zubiri kasama ang mga stakeholder ng sugar industry sa Malacañang gabi ng Miyerkoles.

Umabot umano nang 2 oras ang naging pakikipag-usap ni Marcos — na siya ring Agriculture secretary — sa mga magsasaka, miller at refiner ng asukal.

Sa isang post, sinabi ni Zubiri na naiintindihan ng mga stakeholder na kailangang mag-angkat ng dagdag pero maliit na supply ng asukal para mapunan ang demand ng mga industrial at household consumer.

Payag umano ang mga stakeholder na mag-angkat ang gobyerno ng 150,000 tonelada ng asukal.

Pero ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nananatili pa rin itong panukala.

— May ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
agrikultura
gamot
asukal
sugar
sugar prices
Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT