VIRAL: Babaeng ipinanganak na walang paa, hindi pinapasok sa BIR dahil nakashorts | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Babaeng ipinanganak na walang paa, hindi pinapasok sa BIR dahil nakashorts

VIRAL: Babaeng ipinanganak na walang paa, hindi pinapasok sa BIR dahil nakashorts

Jaehwa Bernardo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 08, 2019 08:35 PM PHT

Clipboard

Hindi pinapasok sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue sa Calbayog City si Nancy Torrelino Boroc dahil sa pagsuot ng shorts. Ito ay kahit pa hindi nakapagsusuot ng pantalon ang babae. Retrato mula kay Boroc

MAYNILA — Hindi lubusang maipaliwanag ng 27 anyos na si Nancy Torrelino Boroc ang kaniyang naramdaman nang harangin siya ng guwardiya ng tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Calbayog City dahil sa kaniyang kasuotan.

Shorts lang kasi ang nasusuot na pang-ibaba ni Boroc dahil ipinanganak siyang walang paa. Sa kabila nito, hinarang siya ng guwardiya dahil labag daw ang kaniyang suot sa dress code na ipinatutupad ng BIR base sa isang bagong memorandum.

"Hay nako, alam na walang paa at shorts lang ang puwede sa akin dahil nga [person with disability]. Paano kaya ako makapag-long pants?" sabi ni Boroc sa isang Facebook post noong Martes, Agosto 6.

Umani na ang post ng 7,400 reactions and 4,100 shares. Karamihan sa mga komento ay nagpapahayag ng pagkadismaya sa inasal ng guwardiya.

ADVERTISEMENT

"Hindi ko po alam if na-offend ako or ano, kasi I was in the state of asking myself, paano pa ako makakapasok po talaga [sa BIR office]?" ani Boroc sa panayam ng ABS-CBN News.

Ikinuwento ni Boroc na nagtungo sila ng kaniyang nobyo sa tanggapan ng BIR noong Martes para asikasuhin ang ilang papeles ng kaniyang ate.

Ayon kay Boroc, nagtungo na siya parehong BIR office isang linggo bago nangyari ang pagharang at pinapasok naman siya bagaman naka-shorts.

"Pumunta po kami BIR, naka-shorts po [ako], just to ask if ano po 'yong requirements," ani Boroc.

"Nakapasok kami and smooth po ang transaction. Ibang guard po ang naka-duty that time."

ADVERTISEMENT

Ikinagulat tuloy ni Boroc na noong sumunod na linggo ay hindi siya pinayagang makapasok dahil sa suot.

Umuwi pa ulit si Boroc para magpalit at maglagay ng medyas na nagtakip sa kaniyang binti bago siya pinapasok.

Kinailangan pa ni Boroc na umuwi sa kanilang bahay at magsuot ng medyas para matakpan ang kaniyang binti at makapasok sa BIR office. Retrato mula kay Boroc

Hindi na rin nagawa ni Boroc na magtanong sa mga tauhan ng BIR ukol sa bagong dress code o memorandum dulot ng kalituhang naramdaman sa pangyayari.

Para kay Boroc, may pagkukulang din siya gayong nagsuot siya ng shorts pero hindi niya maunawan kung ano ang gagawin gayong hindi naman talaga siya makakapagsuot ng pantalon.

"Noong pumasok po ako, I wanted to ask kaso 'di ko na lang ginawa. Naisip ko kasi baka mapa'no si kuya guard," aniya.

ADVERTISEMENT

"Na-confuse ako sa pag-follow ni kuya guard sa [memorandum] na even PWD na hindi po makakapag-long pants ay hindi makakapasok," dagdag niya.

Kinausap naman daw si Boroc ng isang kasamahan ng guwardiya at sinabing humingi raw ito ng tawad.

Layon daw ni Boroc sa pag-post ng kaniyang kuwento na maimulat ang iba sa mga karanasan ng mga PWD.

"I want to let people know situations like these exist at nararanasan ng PWDs sa labas," ani Boroc.

"'Yong parang lack po sa training ng guards on how to accommodate, handle PWDs or maybe even senior [citizens] or pregnant women po," aniya.

ADVERTISEMENT

Kinukuha na ng ABS-CBN News ang panig ng nasabing opisina.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.