Barangay sa La Union nag-mass testing para masawata ang pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay sa La Union nag-mass testing para masawata ang pandemya

ABS-CBN News
Published Aug 06, 2020 04:26 PM PHT

SAN FERNANDO CITY, La Union — Magkakasunod na COVID-19 cases ang natukoy sa isang purok dito matapos magsagawa ng mass testing ang mga awtoridad.

Matapos makapagtala ng COVID-19 positive patient, nagsagawa na ng mass testing ang pamahalaang lungsod ng San Fernando City sa Barangay San Agustin.

Dahil sa mass testing, 7 COVID-19 cases ang natukoy agad noong Agosto 4, na lahat ay mula sa Purok 2A.

Ang 2 ay may exposure sa COVID-19 case habang ang 5 naman ay inaalam pa kung paano nahawa.
Ang 2 ay may exposure sa COVID-19 case habang ang 5 naman ay inaalam pa kung paano nahawa.
ADVERTISEMENT
Sa sumunod na araw, karagdagang 2 kaso ang naitala sa parehong purok.

Isinailalim na ang barangay sa total lockdown kaya't higit 700 pamilya ang apektado, pero aabutan naman sila ng relief goods.

Huling linggo ng Hulyo nang aprubahan ng IATF ang hiling na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang buong San Fernando City dahil sa biglang pagtaas ng kaso.

Pero noong Agosto 1 ay balik na ang lungsod sa modified general community quarantine.

—Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT