Mga evacuee sa Lemery, Batangas umapela ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga evacuee sa Lemery, Batangas umapela ng tulong

Mga evacuee sa Lemery, Batangas umapela ng tulong

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 25, 2021 06:53 PM PHT

Clipboard

Evacuation center sa Lemery, Batangas. Retrato mula kay Alyzza Mae Ramban

Umapela ng tulong ang ilang residente ng Lemery, Batangas na lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa matinding pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa mga evacuee, bagaman hindi sila pinapabayaan ng local government unit, nanawagan pa rin sila ng tulong.

"Kung kami po ang tatanungin, hindi naman na po kaming pumipili. Kahit ano naman po, basta bukal po sa puso ay maluwag po naming tatanggapin," sabi ng residenteng si Alyzza Mae Ramban.

Ayon sa municipal social welfare office, pagkain ang isa sa mga pinakakailangan ngayon ng mga evacuee.

ADVERTISEMENT

Hiniling ng LGU ang tamang koordinasyon sa kanila sakaling may magbibigay ng tulong.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dahil sa baha, umabot na sa higit 1,000 pamilya ang lumikas at kasalukuyang tumutuloy sa iba't ibang evacuation center.

Sa tala ng LGU, 9 barangay ang lubog sa baha.

Bukod sa malapit sa dagat ang mga binahang lugar, hindi rin kasi maayos ang drainage at nagsama-sama rin ang tubig galing sa mataaas na barangay, ayon kay Lemery Mayor Larry Alilio.

Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa bansa dahil sa habagat.

— Ulat ni Andrew Bernardo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.