Tulong ng mga barangay tanod sa pagpapatupad ng health protocols hiniling | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tulong ng mga barangay tanod sa pagpapatupad ng health protocols hiniling

Tulong ng mga barangay tanod sa pagpapatupad ng health protocols hiniling

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Hiniling ng hepe ng Joint Task Force (JTC) COVID Shield ang tulong ng mga barangay tanod sa pagpapatupad ng mga health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Gaya ng ginagawa ng barangay officials sa pagroronda para maiwasan ang krimen, makatutulong din sila sa implementasyon ng health protocols para hindi kumalat ang bagong coronavirus, sabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield.

Aminado si Eleazar na hindi sapat ang bilang ng mga pulis para ikutan ang bawat eskinita sa bansa kaya malaki ang magiging ambag ng barangay officials.

Maaaari umanong sawayin ng mga tanod ang mga taong labas nang labas ng bahay, mga nag-uumpukan, at mga hindi nagsusuot ng face mask.

ADVERTISEMENT

Maaari rin umanong magdagdag ng mga tanod sa palengke at mga pampublikong lugar.

Sa public address na inere noong umaga ng Martes, mahigpit na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng health protocols, tulad ng pagsusuot ng face masks.

Noong Miyerkoles, umabot sa 72,269 ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

-- Ulat ng Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.