Dating teen actress, 4 iba pa, timbog sa droga sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating teen actress, 4 iba pa, timbog sa droga sa Cavite
Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Jul 15, 2019 10:25 AM PHT
|
Updated Jul 15, 2019 07:10 PM PHT

Dating teen actress na si Angela Garcia Bobis/ Angela Zamora, arestado sa pagbebenta ng illegal drugs sa Bacoor City, Cavite; kasama sa naaresto ang kaniyang live-in partner at tatlong iba pa pic.twitter.com/YMver92TSs
— Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) July 15, 2019

MAYNILA - Arestado ang dating teen actress, kaniyang live in partner at 3 iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.

Nakilala ang mga naaresto na sina Angela Garcia Bobis o Angela Zamora, kaniyang live in partner na si Vladimir Bersana at mga kasabwat umano na sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Loro Lopez.

Dating teen actress at 4 iba pa, huli sa buy-bust sa Bacoor, Cavite | Ulat ni @Dennis_Datu pic.twitter.com/1t81nUjLLj
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 15, 2019

Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police, unang naaresto si Bersana na nagturo sa kaniyang live in partner na dating teen star na nagbebenta ng shabu sa kanilang inuupahang bahay.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan naaresto ang dating teen star at mga kasamahan.
Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan naaresto ang dating teen star at mga kasamahan.
ADVERTISEMENT
Nasamsam sa kanila ang nasa P68,000 na halaga ng shabu na may bigat na 10.08 gramo.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakapiit na ngayon sa Bacoor City Detention Center.