Sa kabila ng pangungutya, mga pagsubok, kauna-unahang Tigwahanon nagtapos ng medisina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sa kabila ng pangungutya, mga pagsubok, kauna-unahang Tigwahanon nagtapos ng medisina

Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Jul 05, 2020 10:31 AM PHT
|
Updated Jul 05, 2020 11:19 AM PHT

Matapos ang pangungutya at mga pagsubok na hinarap makamit lang ang pangarap, gumawa ng kasaysayan ang nurse na si Joeffrey Mambucon nang maging ang kauna-unahang nakapagtapos ng kursong medisina sa kaniyang tribo.

Si Mambucon ay isang Tigwahanon Manobo Lumad mula sa Sitio Opis, Namnam, San Fernando, Bukidnon. Nagtapos siya ng medisina kamakailan sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Dasmariñas, Cavite.

Aniya, samu’t saring pagmamaliit ang kanyang narinig mula sa iba dahil sa kaniyang wika, estado ng magulang at hirap sa buhay. Ngunit hindi ito naging hadlang para makapagtapos siya ng pag-aaral.

“Ang mga negative na naririnig natin, gawin po nating inspirasyon kasi darating ang araw na ‘yung mga masasakit na salita nila hindi na natin babalikan na negatibo. Ipapakita talaga natin na may maaabot talaga tayo,” sinabi ni Mambucon sa ABS-CBN Teleradyo.

Bago mag-aral sa Cavite, nanilbihan bilang lisensiyadong nurse si Mambucon sa kanilang komunidad mula noong 2010.

Ayon kay Mambucon, nag-aral siya ng medisina dahil nakita niya ang pangangailangan na magkaroon ng sariling doktor sa kanilang komunidad kung saan umaabot aniya sa 80 hanggang 90 porsiyento ang nagkakasakit.

“Kahit mga magulang ko hindi naiintindihan... [sinasabi] na okay na tayo, sabi ko hindi. Nakikita ko ‘yung mga pangangailangan ng mga tao,” ani Mambucon.

Kuwento ni Mambucon, naging mahirap sa kaniya ang pagpasok sa med school dahil sa kaniyang National Medical Admission Test score.

Dagdag pa niya, mas mababa pa ang nakuha niyang marka sa ikalawang pagkuha niya ng pagsusulit ngunit hinusayan niya sa kaniyang mga application, baon ang kuwento ng kaniyang komunidad.

“The doctors usually call on me to explain in our mother tongue the health status of Tigwahanon Manobo patients, their medications and/or to help their significant others understand why their patient died. I really want to be a physician for my tribe the Tigwahanon Manobos and Matigsalog Manobos, who are the first and the major inhabitants of San Fernando, Bukidnon,” salaysay ni Mambucon sa kaniyang mga application letter.

“The diverse health practices of these tribes inhibit them to embrace the conventional medicine. As a son of the late Datu Edgardo Mambucon, it is easier for me to influence them and become [an] agent of change for their health’s welfare,” dagdag pa niya.

Ayon sa bagong med graduate, simula pa lang noong nag-aaral, nakakarinig na siya ng kaliwa’t kanan na pangungutya.

Dagdag pa niya, sa harap ng masasakit na salita, tipikal na gagawin ng isang katribo ay “uuwi na lamang, iiyak at mag-aasawa.” Ngunit naging pursigido siya para makapagtapos ng kaniyang pag-aaral.

“Marami po akong naranasan na diskriminasyon, kung nasabihan man ako ng positibo, mas marami po ‘yung negatibo na hindi ako magtatagumpay dahil nga po walang pinag-aralan ‘yung mga magulang,” ani Mambucon.

“Magpursigi lang, lahat sabihin niyo na. Gagawin ko lang po kung ano ‘yung tama.”

Ayon kay Mambucon, nais niyang magsilbi bilang doctor to the barrios sa mga Lumad communities, ngunit sa ngayon ay tatapusin muna niya ang kaniyang isang taong post-graduate internship sa De La Salle University Medical Center at hiling na makapasa sa board exams pagkatapos.

“Plano ko pong mag-join as one of our Doctors to the Barrio para po maka-serve po sa remote areas sa bansa natin na may mga Lumad po.”

Read More:
Tagalog News
Tigwahanon-Manobo
Tigwahanon
Manobo
De La Salle Medical & Health Sciences Institute
Dasmariñas
Cavite
Lumad
Bukidnon
first graduate Tigwahanon Manobo Lumad
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT