5 istasyon ng Manila-Clark Railway minarkahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 istasyon ng Manila-Clark Railway minarkahan

ABS-CBN News
Published Jun 26, 2017 09:53 AM PHT
|
Updated Jun 26, 2017 10:26 PM PHT

MANILA - Minarkahan ng Department of Transportation Lunes ang lugar na pagtatayuan ng 5 sa 17 istasyon ng Manila-Clark Railway project na pagdudugtungin ang kabisera ng bansa at Central Luzon.

Mula 2 oras, inaasahang paiiksiin ng railway ang biyahe sa pagitan ng Maynila at Clark, Pampanga sa 55 minuto.

Pinangunahan ni Transportation Secretary Arturo Tugade ang marking ceremony para sa 5 istasyon ng proyekto sa Marilao at Meycauayan sa Bulacan, pati na sa Valenzuela, Caloocan at Tutuban.

Magtatalaga rin ng mga istasyon sa Solis, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, Clark International Airport, at ang iminumungkahing New Clark City sa Pampanga.

ADVERTISEMENT
Bahagi ng “Build, Build, Build” infrastructure program ng administrasyong Duterte ang 106-kilometrong railway.

Ani Tugade, 350,000 pasahero ang makikinabang sa unang taon pa lang ng linya.

Popondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) mula Japan ang P255-bilyon proyekto.

Magkakaroon ang railway ng 13 train sets na inaasahang tatakbo sa bilis na 120 kilometro kada oras.

Sisimulan ang konstruksyon ng linya sa Setyembre at target na matapos sa huling bahagi ng 2021. -- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News