Grupo ng mga guro pabor sa balik-eskwela ng mas maraming estudyante | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grupo ng mga guro pabor sa balik-eskwela ng mas maraming estudyante

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2022 04:55 PM PHT
|
Updated Jun 21, 2022 08:01 PM PHT

Inihayag ngayong Martes ng isang grupo ng mga guro na pabor silang mapabalik ang mas maraming estudyante sa mga paaralan para sa face-to-face classes.

Kasunod ito ng anunsiyo ng Department of Education na posibleng luwagan na ang physical distancing sa mga classroom sa mga paaralang nasa Alert Level 1 pagpasok ng susunod na school year.

"Hindi ko naman po sinasabing sapat na, hindi ko rin sinasabing ligtas na tayo sa August. Pero ang amin pong gustong i-highlight po dito ay, well, lahat na po ay nag-face-to-face... iyong mga malls, iyong mga basketball, mga liga, iyong campaign noong nakaraang eleksyon... Bakit hindi iyong ating mga klase?" sabi ni Benjo Basas, chairperson ng Teachers' Dignity Coalition.

"Kasi talagang nag-suffer na po nang husto iyong ating mga mag-aaral doon sa very limited learning and even iyong ating mga magulang, at siyempre iyong ating mga teacher," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Kinuwestiyon naman ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) kung ano ang nagawa ng DepEd para maging "pandemic resilient" ang mga paaralan, at kung nasaan ang mga dagdag na classroom at guro.

Nilinaw ng DepEd na bagaman itinutulak nito na mas maraming paaralan ang makapag-face-to-face classes sa susunod na pasukan, papayagan pa rin ang blended o distance learning.

"The extent [of blended learning] will be contained in the guidelines. In other words, how many days will be on face-to-face and how many will be allowed for remote learning, as a combination," paliwanag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Sa huling tala ng DepEd, 32,787 pampublikong paaralan na ang nagsasagawa ng limitadong face-to-face classes, katumbas ng 72.66 porsiyento ng kabuuang bilang.

Nasa 1,063 private schools naman ang nagi-in-person classes o 8.60 porsiyento lang ng kabuuang bilang, ayon sa DepEd.

Handa naman ang Pasig Elementary School sakaling palawigin pa ang face-to-face classes sa susunod na school year, sabi ng principal na si Emelita Medona.

Kahit may face-to-face classes, magagamit pa rin ang modules at online classes habang mananatili rin umano ang health protocols laban sa COVID-19.

"Halimbawa, 4,000 pupils namin, meron kaming Set A and Set B. Halimbawa, iyong Set A na pupils namin, Monday narito siya, ang Set B naman namin ay Tuesday. And then Wednesday, all children synchronous... they will all experience face to face classes," paliwanag ni Medona.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
basic education
face-to-face classes
in-person classes
physical distancing
DepEd
Teachers' Dignity Coalition
Alliance of Concerned Teachers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT