Bayanihan ng mga Pinoy, buhay na buhay sa Hong Kong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bayanihan ng mga Pinoy, buhay na buhay sa Hong Kong

Jefferson Mendoza | TFC News Hong Kong
Published Jun 17, 2022 07:25 PM PHT

HONG KONG – Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa mga Pinoy sa Hong Kong. Kahit apektado ng pandemya, hindi ito naging hadlang sa mga kababayang tumulong sa kapwa.

Umaalalay ang grupong Social Justice for Migrant Workers organization sa mga bagong saltang Pinoy worker sa Hong Kong tulad ng mga natanggal sa trabaho at mga may sakit. At katuwang ang isang Hong Kong foundation na pinangungunahan ng mga psychologist, nagbibigay sila ng health rights session at iba pang tulong sa mga Pinoy.

“Tuloy-tuloy po ang tulong natin lalo’t na mas maraming mga kababayaan natin na ngangailangan especially yung mga nag (COVID) positive po, yung walang makain dahil na stranded po sila. Pauwin sila sana, di sila makauwi kasi nag-positive,” sabi ni Marites Palma, founder ng Social Justice for Migrant Workers.

Malaking tulong din lalo na sa mga kababayan nating naka quarantine o yung mga hindi pinapayagang lumabas ng bahay ng kanilang mga amo bilang pag-iingat laban sa Omicron variant ang delivery service ni Ronel Torio.

“Bale nagme-mesage lang sila sa akin tapos binibili ko ang kayiangan nila at hinahatid ko sa bahay nila.Masaya po sila at sobrang nagpasalamat kasi malaki ang naitulong ko sa kanila,” kwento ni Torio.

Bagamat may bahagyang pagluwag sa health protocols sa Hong Kong, hindi pa rin nakababalik lahat sa trabaho dahil bawal pa ring face-to-face o onsite na pagtatanghal. Apektado ang hanapbuhay ng musikerong si alyas 'Crawford.' Nagtrabaho muna siya bilang construction worker para kumita kahit paano.

“Hoping din kami na maibalik agad, yung trabaho namin talaga hoping for now, how do you say.. medyo malungkot talaga kasi matagal tagal din kami…hindi ka nakakabalik sa trabaho,” pagbabahagi ni alyas ‘Crawford.’

Nagpaabot naman ng tulong ang Hong Kong Musicians Union sa mga kapwa musikero.

“We set up this food drive you know…nagkaroon kami ng donors, namigay na grocery goods, things like that, mga bigas…pinamimigay namin yun sa mga musicians na talagang naapektuhan…at the moment, nagpupursugi ang HK musicians Union na makiusap sa gobyerno ng HK na payagan kaming makatugtog kasi talagang…total lost of income ng sector…,” pahayag ni Lito Castillo, chairman ng Hong Kong Musicians Union.

Sa kabila ng sakripisyo, pagtitiis at epekto ng pandemya, hindi nawawala ang diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.