Drive-thru, cinema-based vaccination binuksan sa Laguna mall | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Drive-thru, cinema-based vaccination binuksan sa Laguna mall

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2021 12:54 PM PHT

Mas mapapabilis na ang pagbabakuna sa Biñan City, Laguna matapos buksan ngayong Martes ang drive-thru at cinema-based vaccination centers sa mall sa lungsod.

Hindi na kailangang lumabas ng sasakyan ng mga magpapabakuna dahil mismong ang mga magtuturok ang lalapit sa kotse sa drive-thru vaccination sa lobby ng Southwoods Mall.

Matatagpuan naman sa ikatlong palapag ng mall ang cinema-based vaccination center, kung saan nagpaturok si Conchita Crescini, 87.

"Sabi nila, magpabakuna para makalabas. Isang taon na ako hindi lumalabas ng bahay," ani Crescini.
"Sabi nila, magpabakuna para makalabas. Isang taon na ako hindi lumalabas ng bahay," ani Crescini.
ADVERTISEMENT
Nasa 500 hanggang 1,000 ang kayang bakunahan sa mall kada araw.

Kailangan lamang umanong magparehistro ng magpapabakuna para makakuha ng schedule.

Ayon sa pamunuan ng mall, bahagi ito ng inisyatibo ng kompanya na magbukas ng 11 vaccination centers sa Metro Manila at Laguna.

"Naniniwala po kami na ang vaccination ang isang solusyon sa pagsugpo sa pandemya. Kaya po kami nakikiisa sa ating government," sabi ni Tefel Pesigan-Valentino, vice president for marketing and business development ng Megaworld Lifestyle Malls.

Pero inamin naman ni Biñan Mayor Armand Dimaguila Jr. na kulang pa rin ang supply ng bakuna na dumadating sa kanilang lungsod.

"We are basically 62 percent away from herd immunity... Supply ang problema," sabi ni Dimaguila.

Hindi pa rin tiyak kung kailan darating ang in-order na bakuna ng Biñan city government mula sa AstraZeneca, Pfizer at Sinovac. Kaya umaasa pa rin sila sa nanggagaling sa national government.

Ginawaran ng safety seal mula sa Department of the Interior and Local Government at Biñan city government ang Southwoods Mall.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Biñan
Laguna
Southwoods Mall
drive-thru vaccination
cinema vaccination
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT