Sundalong nasawi sa Marawi, naiuwi na sa Ilocos Sur | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sundalong nasawi sa Marawi, naiuwi na sa Ilocos Sur

Ria Galiste,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2017 08:15 PM PHT

ILOCOS SUR—Itinuturing na bayani si Corporal Elmer Anno ng mga taga-Brgy. Rubio, Galimuyod.

Isa siya sa mga pwersa ng gobyerno na nakipaglaban sa Maute group mula nitong Mayo 23.

Nasugatan si Anno sa labanan at nanatili sa ospital bago binawian ng buhay noong Mayo 27, na unang kaarawan ng kanyang bunsong anak.

Masakit para asawa niya dahil ilang buwan na silang hindi nagkita at ang noong huling tawag nito ay sinigurado niya na uuwi siya sa Hulyo.

“Kasi magpapabinyag kami ng anak ko at isabay namin 'yung birthday ng anak kong panganay. Tapos bangkay na siyang umuwi sa amin,” ani Carmi Anno, asawa ni Elmer.

“Five months namin siyang hindi nakita kaya noong sinalubong namin, ang sakit-sakit po. Akala namin makikita namin siya, tapos bago daw po pumuntang operation sabi niya sa kasama niya 'magpapabinyag pa naman ako ng anak ko.'”

Ipinagmamalaki rin si Elmer ng kanyang ama dahil sa ang pakikipaglaban niya ay para protektahan ang mga Pilipino pati na ang bansa.

“Naniniwala siya na ang pagdadasal ay isang malaking sikreto na nakatutulong sa kanya kapag nasa labanan siya, lalo na sa pagtatanggol sa ating bayang Pilipinas,” ani Teodoro Anno.

Dagdag niya, masakit man ang nangyari ay natanggap na rin nila ito.
Dagdag niya, masakit man ang nangyari ay natanggap na rin nila ito.
ADVERTISEMENT
“Noong nakausap daw nila sabi niya pagkatapos ng operation nila, magpapa-transfer na siya dito sa Ilocos, pero sa kasamaang palad ay hindi natupad iyon na pangarap niya,” ani Teodoro.

Pinangakuan ang pamilya ni Elmer ng gobyerno ng tulong, lalo na sa pagpapaaral sa dalawang anak nito.

Nakatakdang ilibing sa Hunyo 8 si Elmer sa kanilang bayan.