Utos ni Duterte na aresto, kulong sa face mask 'violators' kinuwestiyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Utos ni Duterte na aresto, kulong sa face mask 'violators' kinuwestiyon

Utos ni Duterte na aresto, kulong sa face mask 'violators' kinuwestiyon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — May bagong utos si Pangulong Rodrigo Duterte: arestuhin at ikulong ang mga hindi nagsusuot o mali ang pagsusuot ng face masks.

Kapag hindi raw kasi naghigpit, walang mangyayari.

"My orders to the police are those who are not wearing their masks properly in order to protect the public—kasi kung hindi, hindi mo madepensahan 'yong publiko—to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it... I-detain mo tapos imbestigahin mo siya kung bakit ganoon ang behavior nila," ani Duterte noong Miyerkoles ng gabi.

Ang utos ng Pangulo, iba sa naging pahayag ng Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP).

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na wala silang inaaresto sa NCR Plus bubble dahil lang sa hindi pagsusuot ng face mask o face shield.

Noong nakaraang buwan naman, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iminumungkahi niya sa MMDA na community service na lamang at hindi kulong o multa ang ipataw sa mga lalabag sa quarantine protocols.

Nitong Huwebes, nilinaw ni Guevarra na ang utos ng Pangulo ay para lang sa mga lalabag ng batas o ordinansa.

"When there is no law or ordinance that defines an offense, no arrest can be made," aniya.

Ganito rin ang posisyon ng Malacañang.

"So iyong pag-aresto naman po, dapat po sang-ayon po iyan sa ordinansa o sang-ayon sa batas. Kung wala pong ordinansa ay nakasaad naman po sa revised penal code na maximum of 12 hours [detention] at kung hindi makasuhan ay kinakailangan pawalan," ani Presidential Spokesman Harry Roque.

Pero ayon kay Guevarra, kaagad-agad maipapatupad ang utos ng Pangulo sa ibang LGU kung saan may ordinansa na ukol dito.

Yun nga lang, mismong DILG at MMDA ay aminado na kailangan pang mag-usap-usap ang mga ahensiya.

"There are different penalties imposed by LGUs. So we may have to talk to the LGUs and of course the PNP about the presidential directive and we will have to reconcile," ani DILG spokesman Harry Roque.

"Right now we are collating all ordinances kung ano 'yung parusa nila kasi alam mo bawat LGU may kanya-kanyang parusa eh, may kulong, may penalty, may community service," ani MMDA chair Benhur Abalos.

Ayon naman sa Commission on Human Rights, dahil wala pang malinaw na guidelines, baka maabuso ang panghuhuli at mauwi sa siksikan sa mga kulungan at lalong dumami pa ang magka-COVID-19.

"In the absence of clear guidelines, we are concerned that such directive may be prone to excessive discretion and abuse... Given the overcrowded conditions of jails and other detention facilities in the Philippines, detention may not be sound in preventing the further spread of COVID-19 in communities," ani CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

Sagot ng DOJ, magbabalangkas na sila ng DILG ng guidelines tungkol dito.

Pero tanong ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, kailangan ba talagang manghuli?

"Ako naniniwala positive reinforcement ang kailangan eh, hindi punitive eh, dahil paano mo paparusahan ang taong gustong sumunod pero wala namang kakayahang makasunod," ani Teodoro.

Para naman sa National Union of Peoples’ Lawyers, bakit hindi na lang mamigay ng face mask para sa mga hindi makakabili nito at maglunsad ng information campaign.

"Shouldn't simply providing face mask for free to those who cannot afford them and launching massive popular information drives do the trick rather than overpacking our already cramped and congested jails?" pagtataka ng NUPL.

Payo naman ni Senate President Tito Sotto, para walang problema, magsuot na lang ng face mask.

"Sumunod tayo at matakot na makulong ng siyam na oras. May mga isyu at bagay na dapat eh strong arm ang dating eh.. Ang daming matigas ang ulo eh," sabi ng senador.

—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.