2 patay sa magkahiwalay na krimen sa Capiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay sa magkahiwalay na krimen sa Capiz

2 patay sa magkahiwalay na krimen sa Capiz

ABS-CBN News

Clipboard

Pinasok ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang bahay ng biktima sa Barangay Bula sa bayan ng Mambusao sa Capiz at pinagtataga ito. Larawan mula sa Mambusao police

Patay ang dalawang lalaki sa magkahiway na insidente ng pagpatay sa Capiz nitong Biyernes ng gabi.

Sa Barangay Bula sa bayan ng Mambusao, patay ang biktimang si Jose Sorio, 35, matapos pagtatagain ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na pumasok sa loob ng kaniyang bahay.

Agad na tumakas ang mga salarin.

Dead on arrival sa ospital ang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa bayan naman ng Tapaz, patay ang isang lalaki matapos hampasin ng kahoy sa Barangay Apero.

ADVERTISEMENT

Nakilala ang biktima na si Pedro Gabias, 45.

Sa imbestigasyon ng Tapaz Police, nakita na lamang ng isang residente na duguang nakahandusay na sa sahig ang biktima.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival matapos magtamo ng malaking sugat sa ulo.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ang mga salarin sa likod ng dalawang krimen.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.