'Bilang ng mga mahihirap tataas pa sa paglobo ng populasyon' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Bilang ng mga mahihirap tataas pa sa paglobo ng populasyon'

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2019 09:31 PM PHT

Posibleng lumobo ng 2 milyon ang populasyon ng bansa kada taon, at nagbabanta itong magpalala ng kahirapang nararanasan ng mga mamamayan, ayon sa Commission on Population (POPCOM).

Kaya sabi ng ahensiya, dapat tutukan ngayon ang kaalaman ng mga Pinoy sa pagpaplano ng pamilya.

Ayon sa POPCOM, tatlong sanggol kada minuto ang ipinapanganak sa Pilipinas o kung susumahin ay mahigit 1.5 milyon kada taon. Pero kung hindi ito magbabago, nasa 2 milyon kada taon ang itataas ng bilang ng populasyon.

Ang resulta nito, ayon sa POPCOM, ay ang pangangailangan sa impraestruktura at pagsisikip ng paligid, na ngayon pa nga lang ay ramdam na sa maraming lugar sa Pilipinas.

Babala ng ahensiya, marami nang pagsasaliksik ang nagpapatunay na mas mataas ang tsansang dumanas ng kahirapan ang pamilya habang lumolobo ang bilang nito.

"There is a direct relationship between poverty and the number of children in the family. The more the number of children in the family, the more the family would be prone to become poor," sabi ni POPCOM NCR Director Dr. Lydio Español Jr.

At kahit 2017 pa napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para sa mahigpit na pagpapatupad ng family planning, aminado si Español na marami pa ring hindi nakakagawa nito.

"They (couples) are not using modern methods. Maraming factors. One is religious beliefs on the use of family planning, meron ding access problem, against ang kanilang spouse on the use of family planning. Gusto marami pa, pero 'yung babae, ayaw na," sabi ni Español.

Target daw ng ahensiya na makamit ang tinatawag na "demographic dividend" kung saan mas marami sa populasyon ang nagtatrabaho kaysa sa mga umaasa lamang.

"Kapag na-address 'yan, hopefully we are able to experience 'yung tinatawag na demographic dividend. We have more workers or 15-64 years old than the dependents or children and senior citizens," paliwanag ni Español.

Hangad ng POPCOM na maabot ang 65 porsiyentong coverage ng family planning program sa pagtatapos ng termino ni Duterte.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na inilabas noong Enero, kalahati ng mga Pinoy ang tinatawag ang sarili nilang mahirap.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
populasyon
TV Patrol
TV PATROL TOP
POPCOM
Commission on Population
Lydio Español Jr
family planning
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT