ALAMIN: Mga panuntunan sa misa sa 'NCR Plus' Bubble sa Semana Santa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga panuntunan sa misa sa 'NCR Plus' Bubble sa Semana Santa

ALAMIN: Mga panuntunan sa misa sa 'NCR Plus' Bubble sa Semana Santa

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban COVID-19 ang pagdaos ng limitadong religious activities sa "NCR Plus" Bubble ngayong Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng pandemic task force ang 10 porsiyentong maximum seating capacity sa mga simbahan para maiwasan ang pagtitipon sa labas.

Pero bawal naman ang paggamit ng audio-video systems sa labas ng venue habang nagmimisa.

"Nakinig naman po ang ating IATF at ito po ang napagkasunduan: once-a-day sevice, 10 percent capacity, April 1 to 4. Now, hindi lang po ito para sa Simbahang Katolika, lahat po ng pananampalataya, kasama na rin po ang ating mga kapatid na Muslim," ani Roque.

ADVERTISEMENT

Hinihikayat naman ang recorded na pagkanta. Pero kung hindi maiiwasan, estrikto itong lilimitahan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hinihimok din ang mga simbahan na gawing "by reservation" ang slot para sa mga nais pumasok, at ituloy ang pagdaos ng mga aktibidad online.

Ikinatuwa naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang naging pasya ng pandemic task force.

Ayon kay CBCP Spokesman Fr. Jerome Secillano, pagkakataon ito para sa mga nananampalataya na alalahanin ang Easter Triduum, lalo na sa Linggo ng Pagkabuhay.

"Kinakailangan talaga nating mag-adjust sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi natin kinakailangang ipagpilit 'yung mga gusto natin. Kaya kung merong, halimbawa, mga panuntunan, may mga pagbabawal, kinakailangan nating sumunod kasi ginagawa naman ang mga bagay na ito hindi upang pigilan tayo kundi para mapigilan 'yung pagkalat ng coronavirus," ani Secillano.

Natuwa ang CBCP sa pagkilala ng IATF sa mahalagang papel ng pananampalataya ngayong COVID-19 pandemic.

Tiniyak din nila ang mahigpit na pagsunod sa health protocols sa makikiisa sa religious gatherings.

Pero ang mga simbahan sa Archdiocese of Manila, gaya ng Quiapo Church, patuloy pa ring magpapapasok ng mga deboto.

"So, ngayon kung magdesisyon ang ibang dioceses na mag-celebrate no'n, okay naman. Sa Quiapo Church, wala namang pagbabago talaga. Sinusunod namin 'yung pahayag ni Bishop Pabillo," ani Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church.

Matatandaan na iginiit ni Bishop Broderick Pabillo sa sulat na inilabas ng Archdiocese of Manila na magkakaroon pa ng religious worship sa loob ng mga simbahan, matapos itong pagbawalan ng IATF sa mga lugar na sakop ng "NCR Plus" Bubble sa pagdami ng COVID-19 cases.

Kalauna'y sinabi ni Pabillo sa isang radio show na paglabag sa "religious freedom" ang pagpatigil sa mga misa, at binanggit din ang separasyon ng simbahan ng gobyerno, pero nangakong susunod sa mga health protocol.

Sumagot naman ang gobyerno at nagbabalang ipapasara ang mga simbahan kung lalabag sa utos ang mga ito.

Sinabi naman ni Pabillo sa isang text message na susundin pa rin ang tinatawag na "Principle of Subsidiarity." Ibig sabihin, may mga parokya pa rin na magpapasya kung magpapatuloy pa rin sila ng mga tao sa simbahan.

"We follow the principle of subsidiarity as indicated in our note," ani Pabillo.

Hinihimok din ng CBCP ang publiko na gawin ang mga aktibidad sa Semana Santa kahit pa nasa bahay dahil magpapatuloy naman ang virtual services ng mga simbahan.

-- May mga ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.