Karagdagang 1.16-M Pfizer-BioNTech COVID vaccine shots dumating sa bansa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karagdagang 1.16-M Pfizer-BioNTech COVID vaccine shots dumating sa bansa

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2022 12:42 AM PHT

MAYNILA — Dumating ang karagdagang 1,167,660 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa bansa, Lunes ng gabi.

Lulan ng DHL Express Flight LD 456 ang panibagong batch ng bakuna na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng World Bank.

Unang dumating Lunes ng umaga ang 3,999,060 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na donasyon ng US government sa pamamagitan ng COVAX vaccine-sharing facility.

Sa pagdating ng mga panibagong batch ng bakuna, umaabot na sa 232,673,310 ang dumadating na dose ng bakuna sa bansa. Dahil dito, sinabi ni NTF medical consultant Paz Corrales na hindi na isyu ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Magsasagawa rin muli ng malawakang National Vaccination Drive ang pamahalaan mula Huwebes, Marso 10, hanggang Sabado, Marso 12.

Ayon sa National Vaccination Operations Center, layon nito na ilapit sa mga mamamayan ang bakunahan sa pamamagitan ng pagsasagawa nito sa mga opisina at sa mismong mga bahay.

Ayon kay Corrales, ongoing ang koordinasyon ng mga DOH regional office sa mga opisina ng gobyerno, eco-zones, at pribadong kumpanya kaugnay ng gagawing pagbabakuna kontra COVID-19.

Nakikipag-ugnayan na rin ang National Task Force against COVID-19 sa Philippine Medical Association para muling tumulong sa pagbabakuna. Nananawagan ang gobyerno para sa mga volunteer sa national vaccination days.

Target ng gobyernong itaas sa 70 milyong Pilipino ang bakunado kontra COVID sa katapusan ng Marso. Base sa huling datos, higit 63.6 million na ang fully vaccinated sa bansa. Nasa 10.5 million naman ang may booster o dagdag na dose.

Pero ang bilang na ito, wala pa sa kalahati ng bilang ng mga indibidwal na kwalipikado nang tumanggap ng booster.

“Ang akala ng iba, hindi na kailangan bigyan ng booster dose. Kuntento na po sila sa 2 doses. Pero ang sinasabi namin, ang booster dose ay added protection, dahil hindi po natin alam. Baka magkaroon na naman po ng panibagong variant ang COVID-19, ito po ay added protection,” ani Corrales.—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT