Mga transport group sa probinsya, lumahok sa tigil-pasada | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga transport group sa probinsya, lumahok sa tigil-pasada

Mga transport group sa probinsya, lumahok sa tigil-pasada

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 27, 2017 08:48 PM PHT

Clipboard

Transport group PISTON-EV leads the transport strike in Tacloban City on Monday. Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

MANILA -- Lumahok din sa malawakang tigil-pasada ngayong Lunes ang mga transport group sa labas ng Maynila upang iprotesta ang planong pag-phase out sa mga pampasadang jeep.

Sa kabila ng libreng sakay na inihanda ng lokal na pamahalaan, marami sa mga pasahero sa Bacolod City ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa abalang dulot ng tigil-pasada.

Marami sa mga pasahero ang naiwang stranded sa kahabaan ng Bacolod City highway Lunes ng umaga dahil marami sa mga miyembro ng transport groups ang hindi bumiyahe.

Nanawagan ang United Negros Drivers and Operators Center (UNDOC) at Federation of Bacolod City Drivers Association (FEBACDA) sa pamahalaan na tugunan ang mga problemang kinahaharap ng sektor ng transportasyon.

ADVERTISEMENT

Commuters are stranded along a highway in Iloilo City due to a transport strike. Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Umikot naman sa Bacolod ang ilang opisyal ng Philippine National Police at Land Transportation Office upang i-monitor ang protesta at masigurong mapayapa ang mga ito.

Ayon kay UNDOC Secretary-General Diego Malacad, matagumpay ang isinagawa nilang strike dahil halos 95 porsyento ng mga pasahero ang nahirapan sa Negros Occidental. Pinasalamatan din ni Malacad ang mga lokal na opisyal at paaralan na nagsuspinde ng klase na sinasabi niyang suporta sa tigil-pasada.

Apektado rin ng tigil-pasada ang Iloilo City.

Samantala, hindi naman kinansela ng lokal na pamahalaan ng Naga City at Tacloban City ang klase at trabaho ngayong araw sa kabila ng malawakang transport strike dahil marami pa ring jeep ang pumasada.

Sa Davao City naman, mas pinili ng grupong Transmision-Piston na magsagawa ng isang caravan rally para iprotesta ang planong pag-phase out sa mga jeep.

Tahimik at halos wala namang namamasadang jeep sa mga kalsada sa Albay dahil sa ikinasang tigil-pasada. Ala-1 ng madaling araw pa lang, nagsimula na rin sa pagprotesta ang grupo ng Condor Piston at Bayan Bikol. Nanawagan sila para sa rehabilitasyon ng mga jeep kaysa i-phase out ang mga ito.

Halos puro mga tricycle ang namamasada sa Legazpi City dahil mangilan-ilan na lang ang jeep na bumabiyahe.

Sumali rin ang ilang transport group sa tigil-pasada sa Cebu at Mandaue City. -- reports from Jennifer Garcia, Marty Go, Jessa Mylce Mella, Leleth Ann Rumaguera, Vina Araneta-Pilapil, Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.