Mga magtuturok ng COVID-19 vaccine, kabado at excited sa pagbabakuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga magtuturok ng COVID-19 vaccine, kabado at excited sa pagbabakuna

ABS-CBN News
Published Feb 14, 2021 05:28 PM PHT
|
Updated Feb 14, 2021 09:39 PM PHT

MAYNILA – Sa nalalapit na pagbabakuna sa mga health care worker at staff ng Philippine General Hospital (PGH), isa sa mga unang napiling turukan ng COVID-19 vaccine ang spokesperson ng ospital na si Dr. Jonas del Rosario.

Matinding dagok ang naranasan ni Del Rosario—isang COVID-19 survivor—ngayong pandemya matapos bawian ng buhay ang kaniyang mga magulang, na dinapuan din ng virus.

“The reason why I could be one of the first is to put credibility and confidence to others,” ani Del Rosario.

Ngayong napili na ang unang babakunahan sa PGH , tukoy na rin kung sino ang kanilang vaccinator: ang nurse na si Chareluck Santos.

Ayon kay Santos, hindi naging madali ang pagsasanay nila sa Department of Health kaugnay sa pagbibigay ng bakuna.

Isa rin umano si Santos sa mga nag-train sa higit 20 vaccinator sa kanilang ospital.

“Kinabahan ako, at the same time, excited din. Ito na ang isa sa pinakahinihintay naming health care workers,” ani Santos.

“Na-challenge din ako. Kami ‘yong magsisimula kaya kailangan magawa namin nang maayos at mahusay ang pagbabakuna,” dagdag niya.

Sinanay ang mga vaccinator sa wastong pag-aspirate ng bakuna mula sa vial.

Dapat daw kasing walang masayang at magamit ang bawat patak ng bakuna.

“Nakakapag-practice naman kami, nakakakuha naman kami ng sapat na dami ng doses. Ang isang challenge lang din sa amin ay kung malapot ba siya (vaccine) talaga,” kuwento ni Santos.

“Kapag mas malapot, mas mahirap po siyang i-aspirate. So there’s a possibility na hindi ka talaga makakakuha ng madaming doses at maiiwan siya sa bote... may needle requirements din,” aniya.

Nakatoka naman ang nurse na si Marian Villanueva na bakunahan si PGH Director Dr. Gerardo Legaspi.

“Siyempre both anxious and excited. Director ito. I have to make sure na tama ang pagbabakuna ko at hindi masyadong masakit kasi director namin ‘yon. But it’s also a privilege na ako ang na-assign,” ani Villanueva.

Mabigat man ang responsibilidad, hindi naman daw aatras si Villanueva sa hamon.

“Aside from being vaccinators, we want to be advocates of vaccination,” ani Villanueva.

Subalit lumalabas sa survey ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 3 lamang sa bawat 10 indibiduwal sa Metro Manila ang payag na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Lubhang mababa ito sa 80 porsiyento ng populasyon ng National Capital Region na target mabakunahan para makamit ang herd immunity.

“Umiikot kami sa Metro Manila, Calabarzon. Sa susunod na linggo, bibiyahe rin po kami pa-Mindanao para ipaliwanag ho sa taumbayan ang kahalagahan ng pagbabakuna,” ani DILG Secretary Epimaco Densing III.

Payo ni Santos sa mga may agam-agam sa bakuna: “Normal lang magkaroon ng takot dahil ito ay bagong bakuna. Pero ang ating takot ay ating malalabanan sa tamang pag-aaral at pag-alam kung ano ba talaga ang bakunang ito at makapagdesisyon din tayo sa ating sarili.”

“People have to keep educating themselves about the COVID-19 vaccine. Alamin natin through reliable and trusted sources what the vaccines can do... We must educate ourselves because that will address our fears and anxiety sa vaccine,” sabi naman ni Villanueva.

Nakatakdang magdaos ng simulation ng vaccination program ang PGH sa Lunes.

– Ulat nina Bianca Dava at Michael Delizo, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19
Covid-19 vaccine
bakuna
health workers
vaccinator
Philippine General Hospital
coronavirus disease
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT