Face masks proteksiyon ba talaga vs bagong coronavirus? DOH nagpaliwanag | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Face masks proteksiyon ba talaga vs bagong coronavirus? DOH nagpaliwanag

Face masks proteksiyon ba talaga vs bagong coronavirus? DOH nagpaliwanag

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 31, 2020 07:02 PM PHT

Clipboard

Nakasuot ng surgical masks ang mga deboto ng Quiapo Church sa pagdalo ng misa nitong Enero 31, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Umakyat na sa 31 ang bilang ng mga pasyenteng mino-monitor sa Pilipinas dahil sa pagpapakita ng sintomas ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Noong Huwebes lang ay sinabi ng DOH na isang 38-anyos na babae mula Wuhan City, China ang unang naitalang nagpositibo sa bagong coronavirus sa Pilipinas.

Ang Wuhan City sa Hubei province ang sinasabing pinagmulan ng bagong uri ng virus.

Iniulat ng Chinese government nitong Biyernes na nakapagtala na sila ng 9,692 kaso ng Wuhan coronavirus, at higit 200 na rin ang namatay dahil dito.

ADVERTISEMENT

Noong Huwebes ay nagdeklara ang World Health Organization (WHO) ng global health emergency dahil sa mabilis na pagkalat ng virus sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Watch more in iWantv or TFC.tv

FACE MASK KONTRA CORONAVIRUS?

Sa gitna ng pangamba ng mga Pinoy sa banta ng bagong coronavirus, nagkakaubusan na ng mga face mask na sinasabing proteksyon kontra virus.

Pero sabi ng DOH, hindi naman kailangan magsuot ng face mask sa lahat ng pagkakataon.

"The surgical masks can be used by the public in certain occasions. Not everybody needs to wear a mask every time. Unless for of course you feel you are high risk for illness," ani Health Undersecretary Eric Domingo.

Dagdag pa ni Domingo, huwag ubusin ang stocks ng face mask dahil mas kailangan ito ng medical workers na nakatutok mismo sa paggamot sa mga hinihinalang may 2019-nCoV ARD.

"We ask everybody wag nang makiagaw sa supplies diyan dahil ang nangangailangan talaga 'yung mga nangangalaga," ani Domingo.

Sa huli, ani Domingo, walang saysay ang pagsusuot ng face mask kung hindi naman tama ang paraan ng paghuhugas ng kamay. Ang tamang paghuhugas kasi ng kamay ang isa sa pinakaepektibong paraan para maiwasan ang mga sakit.

—May ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.