2 arestado sa droga, 'shabu' itinago sa likod ng altar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 arestado sa droga, 'shabu' itinago sa likod ng altar

2 arestado sa droga, 'shabu' itinago sa likod ng altar

Isay Reyes,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado si Jimmy Ausa at kaniyang tiyuhing si Noland Manansala matapos na mahulihan ng droga, drug paraphernalia at baril sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City. Isay Reyes, ABS-CBN News

Arestado ang mag-tiyuhin sa Caloocan City matapos makumpiska sa loob ng kanilang bahay ang hinihinalang shabu, drug paraphernalia at baril.

Hindi na itinanggi pa nina Jimmy Ausa at tiyuhin na si Noland Manansala ang paggamit ng droga pero pinabulaanang kanila ang baril.

“Matik nang gumagamit ako pero di po ako nagbebenta. 'Yang baril po hindi po 'yan sa akin,” sabi ni Ausa.

Sa bisa ng search warrant, sinugod ng mga operatiba ng Caloocan City Police ang bahay ng mag-tiyuhin sa Barangay 14 matapos na ireklamo sila ng mga residente na gumagamit ng droga at may baril.

ADVERTISEMENT

Hindi naman nabigo ang mga pulis dahil pag pasok pa lang sa bahay ay nakita na agad ang target na si Ausa.

Nagkalat din sa loob ng bahay ang ilang drug paraphernalia tulad ng tooter, pake-paketeng hinihinalang shabu, mga gunting, plastic, maging ilan pang gamit sa paghithit ng marijuana.

Sa likod ng altar, itinago ang ilang pakete ng hinihinalang shabu habang ang kaliber .38 na revolver ay nakita sa ilalim ng isang papag.

Muntik pa raw tumakas ang mga suspek nang pasukin ng mga pulis ang bahay.

“Pag pasok daw [ng pulis] tumalon pa raw 'yan (Ausa) sa bubong. Nandun naman ang pulis, di siya nakatakas. 'Yung tiyuhin naman niya nung narinig na nandun na ang pulis, aktong tatakbo,” ani Senior Supt. Jemar Modequillo.

Mahaharap si Ausa sa kasong illegal possession of firearms at sila naman ni Manansala ay makakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nasa 16 naman ang nahuli sa isinagawang simultaneous anti-criminality law enforcement operation Biyernes ng gabi sa iba’t-ibang barangay sa Caloocan, kabilang na ang walong menor de edad na nakuha dahil sa paglabag sa curfew.

Sa Malabon naman, kasama sa 33 nahuli ang dalawang wanted sa kasong murder at paglabag sa Republic Act 7610, o ang batas laban sa child abuse.

Ang lahat ng nahuli ay magbabayad ng multang P500 para sa hindi pagsusuot ng damit pang itaas at P1,000 para sa drinking in public.

Isinasagawa ang operasyon para mapanatili ang peace and order sa mga barangay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.