Lalaking may mga saksak, natagpuang patay sa Quezon City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking may mga saksak, natagpuang patay sa Quezon City

Lalaking may mga saksak, natagpuang patay sa Quezon City

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 04, 2023 01:26 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking tadtad ng saksak sa isang eskinita sa Novaliches, Quezon City nitong gabi ng Martes.

Ayon sa mga tauhan ng Barangay Gulod, nakita ng ilang residente ang bangkay ng biktima na nakabulagta sa madilim na eskinita bandang alas-10 ng gabi.

Nagtamo ng 3 saksak ang lalaki, tig-isa sa dibdib, kili-kili at leeg.

Hindi kilala ng mga taga-barangay ang biktima, na may tattoo sa kaliwang dibdib at nakasuot ng itim na sando at gray shorts nang mahanap.

ADVERTISEMENT

Pero kinilala siya ng mga tauhan ng Quezon City Police District bilang si alyas "Chris," na hinihinalang nakulong dati dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.