Paano gumagana ang cellphone anti-theft app | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano gumagana ang cellphone anti-theft app

ABS-CBN News
Published Mar 09, 2016 03:42 PM PHT
Gusto niyang matuldukan na ang pagnanakaw.

Ito ang paliwanag ng developer na si Engr. Jun Lozada kung bakit niya binuo ang theft apprehension and asset recovery application (TARA).

Kuwento ni Lozada, taong 2002 nang mapukaw ng isang balita ang puso niya.

Napanood niya sa telebisyon ang balita ukol sa isang batang nasaksak nang tumangging ibigay ang kanyang cellphone nang maholdap ang sinasakyang tricycle.

"Valedictorian siya, graduate noong 2002. Tinanong siya ng nanay kung ano ang gustong regalo, sabi cellphone. Labandera ang nanay, noong Hunyo noong pasukang iyon, naibigay. Sa kasamaang palad, Agosto nang taong iyon, naholdap yung tricycle na sinasakyan nung bata, ayaw niyang bitawan so nasaksak 'yung bata at naging sanhi ng kamatayan niya."

Matapos aniyang mapanood iyon, sinabi niya sa sarili na ayaw na niyang maulit muli ang ganoong insidente.

Kaya naman sa libre niyang panahon ay binubuo niya ang teknolohiya ng TARA.

Sumali rin siya sa organisasyon kontra sa pagnanakaw at nag-lobby sa Kongreso na huwag nang ibalik sa network ang mga nakaw na telepono, ngunit bigo ito.

Isang taon matapos niyang simulan ang pagbuo sa TARA, natigil siya dahil naging abala na sa ibang bagay.

Limang taon ang nakalilipas nang muli niyang upuan ang pagbuo sa teknolohiya.

Ang ideya aniya sa likod ng teknolohiya ay "we can really apprehend ang nagnakaw."

Ilang beses na umano itong napatunayan base sa kanilang pagsusuri sa nakaraang tatlong taon.

Ipinakita naman ng enhinyero kung paano gumagana ang application. -- Ker Oliva, ABS-CBN News