Mga mangingisda, ikinasal habang sakay ng kanilang bangka sa gitna ng dagat | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga mangingisda, ikinasal habang sakay ng kanilang bangka sa gitna ng dagat

Photo Courtesy: Sablayan LGU

Kakaibang kasalan ang naganap muli sa Sablayan, Occidental Mindoro sa isang hindi malilimutang seremonya kasabay ng pagdiriwang ng Tuna Festival nitong Biyernes.

Walong mangingisda ang ikinasal sa kanilang mga kaparehas sa gitna ng dagat habang sakay ng kanilang mga bangka.

Mismong si Mayor Bong Marquez ang nagdaos ng seremonya ng kasal kung saan nangako ang mga bagong mag-asawa ng walang hanggang pag-ibig habang saksi ang karagatan, na siyang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Saksi sa pag-iisang dibdib ng mga magkakapareha ang mga kapwa nila mangingisda na hindi maitago ang kilig habang idinaraos ang seremonya.

Bagamat sa bangka idinaos ang kasal, mahigpit na bilin ng mga ninong at ninang na bawal ang mamangka sa dalawang ilog.

'Kasal sa balsa: Lubid-Puso ng Pamayanan' ang tema ng kasalan na sumisimbulo sa pagsasanib ng tradisyon, kultura at pagmamahalan.

Layunin din ng programa na maitampok ang kultura, kabuhayan at turismo ng bayan ng Sablayan.

At dahil mga mangingisda ang mga bagong kasal, sa tabing dagat din ang handaan kung saan ang mga nakahain ay mga tuna.

Patuloy na nagiging atraksyon ang kasalang bayan sa Sablayan na iba't-iba lagi ang tema.
Patuloy na nagiging atraksyon ang kasalang bayan sa Sablayan na iba't-iba lagi ang tema.
ADVERTISEMENT
Noong nakaraang buwan, 18 pares ng Katutubong Mangyan ang ikinasal sa kagubatan.

Noong Araw ng mga Puso, nagkaroon ng kasalang bayan na idinaos sa gitna ng isang tulay.

Nagkaroon na rin ng kasalang bayan sa gitna ng ilog sa Barangay San Agustin noong 2023.

Noong nakaraang taon, nagdaos din ang Sablayan ng kasalang bayan sa tuktok ng bundok.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT