Summer Pasyalan: Hulugan Falls sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Summer Pasyalan: Hulugan Falls sa Laguna

Summer Pasyalan: Hulugan Falls sa Laguna

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

MAYNILA — Walang takot na nilusong ni Bayan Patroller Erich Cuenco ang matarik at malumot na daan patungo sa Hulugan Falls sa Barangay San Salvador, Luisiana, Laguna.

Makikita sa drone shot na ibinahagi ni Cuenco, isang mountaineer at cyclist, ang kahanga-hangang ganda at lawak ng Hulugan Falls. 

Ayon kay Bayan Patroller, parang binalot ng luntiang kapaligiran ang talon at malausok na hamog mula sa rumaragasang buhos ng tubig sa Hulugan Falls.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Rhea Osinar, tourism officer ng Luisiana, binuksan sa publiko ang Hulugan Falls noong 2015. Aniya, isa ito sa pinakamataas na talon sa Laguna na may taas na 285 talampakan.

Swak rin budget ni Bayan Patroller ang pamamasyal sa Hulugan Falls dahil umabot lang sa P2,000 ang kanyang nagastos sa kanyang day trip. Aniya, kasama na rito ang bayad sa tour guide, life vest, pamasahe, at pasalubong para sa kanyang pamilya.

Tunay na Bayan Patroller-approved ang Hulugan Falls dahil kahit na anim na oras ang ginugol niya sa biyahe, nabura ang kanyang pagod at napalitan ng ngiti at pagkamangha sa makapigil-hiningang yumi ng tanawin sa  Luisiana, Laguna.

Dagdag pa ni Bayan Patroller, pinakamagandang pumunta sa naturang lugar sa mga buwan ng Enero hanggang Marso dahil maganda pa ang klima. 

Paliwanag niya, maaaring maging mapanganib ang pamamasyal sa Hulugan Falls kung tag-ulan dahil malakas ang agos ng tubig mula sa talon.

— Dianne Monica Tucay, BMPM intern

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.