Paano gawing malusog ang Christmas salu-salo habang pandemya? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano gawing malusog ang Christmas salu-salo habang pandemya?

Paano gawing malusog ang Christmas salu-salo habang pandemya?

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpaalala ang pinuno ng Philippine Heart Association na bantayan ang mga kinakain kung magsasalo-salo sa Pasko. ABS-CBN News/File

MAYNILA - Ngayong marami ang nagtatrabaho at nag-aaral sa kani-kanilang mga bahay dahil sa pandemya, nagpaalala ang pinuno ng Philippine Heart Association na bantayan ang mga kinakain kung magsasalo-salo sa Pasko.

Ayon kay PHA President Orly Bugarin, mas mataas ang tsansang magkaroon ng mga tinatawag na "lifestyle diseases" o iyong mga sakit na may kinalaman sa kung ano ang libangan ng mga tao.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Sa mga panahon ngayon, alam natin na andiyan ang pagsasama-sama. Kahit na hindi pinapayagan ang mass gathering pero ang buong pamilya nagsasama po iyan at alam naman po natin na sa loob ng ating tahanan, nakakalimot sa pagkain," ani Bugarin sa programang "Sakto" sa TeleRadyo ngayong Miyerkoles.

"At dahil ngayong nasa bahay lang nali-limit ang ating pagkilos at paggalaw, wala tayong masyadong exercise. Nagiging daan po 'yan ng mga tinatawag na cardiovascular diseases at diabetes at marami dito ay tinatawag na lifestyle diseases," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Kaakibat nito, sinabi ni Bugarin na lumalabas sa ilang pag-aaral na dahil hindi masyadong nakagagalaw ang mga tao at hindi masyadong conscious sa pagkain, mas marami at mas bata ang nagiging pasyente ng lifestyle diseases.

Nabanggit din ni Bugarin na mas dumarami na ang bilang ng mga nagkakaroon ng Type 2 diabetes, kahit hindi namamana sa pamilya, dahil sa lifestyle.

Payo ni Bugarin, kung kakain man, piliin ang gulay o isda na pinaniniwalaang mas malusog na putahe. Dapat ding tingnan kung ano ang sahog na pinanghahalo rito.

Kung nakararamdam na rin aniya ng mga sintomas ng diabetes ay agad na aniyang pumunta sa doktor bago pa ito lumala.

"Sa panahon na ito ine-encourage na rin po namin na sana po ay huwag nating hintayin na tayo ay malala na bago tayo kumonsulta sa ating mga doktor. Sa panahon ng pandemic, ine-encourage pa rin namin na kahit online at kung available na po ang aming mga doktor sa kanilang clinics, bumisita po tayo," ani Bugarin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.