TINGNAN: Ilang berso mula sa 'New Testament: Pinoy Version' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Ilang berso mula sa 'New Testament: Pinoy Version'

ABS-CBN News
Published Sep 25, 2018 10:09 AM PHT
|
Updated Sep 26, 2018 08:52 PM PHT

Paano tinatanggap ng netizens ang isang bagong bersiyon ng Bibliya? Panoorin sa Bandila gabi ng Miyerkoles, Setyembre 26, sa ABS-CBN Channel 2, pagkatapos ng Tonight With Boy Abunda.
MAYNILA - Isang kakaibang salin ng Bagong Tipan o New Testament ang inilunsad kamakailan ng Philippine Bible Society (PBS) sa layong mailapit sa mga ordinaryong Filipino ang Bibliya.

Ang "New Testament: Pinoy Version," na inilunsad sa nagdaang Manila International Book Fair, ay gumagamit ng mga salitang naririnig sa mga ordinaryong usapan sa pamayanan.

Sa bersiyon na ito, ginamitan ng Taglish o pinagsamang Tagalog at English ang mga berso. Bukod pa riyan, ginamitan din ng mga napapanahon na salita ang salin.

Narito ang ilang halimbawa:
Narito ang ilang halimbawa:
ADVERTISEMENT
"Sobrang na-shock ako sa inyo. Ang dali n'yo namang tinalikuran ang Diyos. Imagine, sobrang bait n'ya at pinadala n'ya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang pumili sa inyo, tapos ngayon, ine-entertain n'yo ang ibang Gospel?" (Galatians 1:6)

"Mga b**o ba talaga kayo? Nasimulan n'yo ngang maranasan ang kapangyarihan ng Holy Spirit sa buhay n'yo, tapos ngayon, aasa kayo sa sarili niyong lakas?!" (Galatians 3:3)

"Tapos, pinagtripan nila si Jesus. Sinaluduhan nila s'ya at sinabi, 'Mabuhay ang hari ng mga Jews!' Hinampas nila ng stick ang ulo ni Jesus at dinuraan siya." (Mark 15:18)

After ilang minutes, may nakapansin ulit kay Peter at sinabi sa kanya, 'Isa ka sa mga kasamahan nila.' Pero sumagot si Peter, "Hindi po ako 'yun, sir!" After one hour, may lalaking nag-insist, "Sure ako, kasama ni Jesus ang taong ito, kasi taga-Galilea din sya." (Luke 22:58-59)

'Saling tapat sa orihinal'
Tapat sa orihinal na Griyegong teksto ang salin, paliwanag ni Anicia del Corro, ang linguist na kinonsulta ng PBS. Aniya, isinalin muna ito sa pormal na Filipino, at saka isinalin sa daynamikong bersiyon.

Noong 2007 pa aniya inumpisahan ang proyekto at pinangunahan ito ng mga Kristiyano mula sa iba't ibang grupo, tulad ng mga Katoliko at Protestante.

"The team is composed of both Catholics and protestants, and they are guided by a set of rules approved by the Vatican and the United Bible Societies," sabi niya sa panayam ng ANC.

Umaasa ang PBS na mas mailalapit ng "New Testament: Pinoy Version" ang Bibliya sa mga ordinaryong Filipino, lalo na't maaaring kakaunti na lamang ang nagbabasa nito ngayon.

"We want to make sure that when they hear it or read it, it's a translation that is easy to understand and it is a translation that they will enjoy reading," dagdag pa niya.

Netizens, halohalo ang naging reaksiyon
Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens, tulad ni Jhe Adriatico, na nagsabing “walang respeto” ang salin sa salita ng Diyos dahil nagmistulang magazine ang Bibliya.

"No respect to the words of God. It's the Bible, not the magazine," aniya sa Facebook comment.

Sa isa pang comment, sinabi ni Carla Sunga Bautista na mas nauunawaan at ramdam niya ang salita ng Diyos sa bagong Bibliya.

“Kahit ano pang translation iyan, ang mahalaga ay basahin natin ang Bibliya,” aniya sa isang Facebook comment.

Salin ng Bagong Tipan, layong 'ilapit' ang Bibliya sa mga kabataan
Ani Dr. Nora G. Lucero, general secretary ng PBS, layon ng New Testament Pinoy Version na ilapit pa ang Bibliya sa mga kabataan ngayon.

"Ang misyon ng PBS is to make the Bible available in relevant languages, so sa mga kabataan ngayon, alam naman natin ang paraan ng pagsasalita na, hindi na straight na English o straight na Tagalog kundi meron tayong code switching, 'yung hinahalo mo na yung Ingles at Tagalog, at dahil diyan, ang Philippine Bible Society, kinakailangan, kokonekta tayo sa mga kabataan ngayon," paliwanag ni Lucero.

Para kay Fr. Jerome Marquez, SVD Provincial Superior ng Philippine Central Province, magandang hakbang ang pagkakaroon ng ganitong salin ng Bibliya dahil mas mapupukaw ang mga kabataan sa pagbasa nito.

"[Para] maging relevant at interesting para sa audience, bagong kabataan na maintindihan ang salita ng Diyos, it’s always a welcome translation, para naman mas kumakapit du'n sa language na ginagamit ngayon ng kabataan," aniya.

-- May ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Bible
Christian
Religion
New Testament
Pinoy Version
ANC Top
ANC Exclusive
Bandila
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT