Century-old 'municipio', ginawang eskwelahan sa Camarines Sur

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Century-old 'municipio', ginawang eskwelahan sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Councilor Hanna Broqueza
Kuha ni Councilor Hanna Broqueza

Isang 100-taong gulang na "municipio" ang ginawang paaralaan para sa 360 kabataan ng bayan ng Goa, Camarines Sur.

Taong 1917-1922 nang naitayo ito. Matapos ang ilang taong hindi ginamit, tahanan na ito ng Goa Community College ngayong taon, bukod sa paalala sa nakaraan.

Ayon kay Goa Mayor Marcel Pan, kinailangan itong ayusin dahil naantala ng COVID-19 pandemic ang konstruksyon ng bagong gusali ng GCC.

“The old Municipal Building in La Purisima St. will be the temporary building of the GCC. Next year, a bigger site with new modern buildings will be its permanent campus adjacent to the Municipal Hospital of Goa in Bgy. Tagongtong,” saad ni Pan sa isang post.

ADVERTISEMENT

Ilan sa naipreserba rito ang sahig, hagdan at mga bintana na gawa sa kahoy at capiz shells na paboritong selfie spot ng mga bumibisita.

Tampok din dito ang mga silid na ipinangalan sa ilang eco-tourism sites sa Goa, gaya ng mga taon ng Ibahoy, Magragubrob, Nahulugang Busog, Libtong Lake at mga ilog ng Rangas at Asupre o Sulfur Spring.

Ani Konsehal Hanna Broqueza na chairperson ng Committee on Beautification and Tourism ng Sangguniang Bayan, isang paraan ito para ipakilala ang magagandang tanawin sa bayan.

“Para po malaman din ng mga estudyante at mga tao na pupunta dito na meron din tourist spots ang Goa kahit kami lang sa Partido (4th district) among 10 towns ang walang dagat. So mayaman po kami sa falls and rivers,” saad nito.—Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.