ALAMIN: Nakakataas nga ba ng uric acid ang pagkain ng munggo? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Nakakataas nga ba ng uric acid ang pagkain ng munggo?

ABS-CBN News
Published Aug 15, 2019 02:29 PM PHT
|
Updated Aug 15, 2019 02:40 PM PHT

Pinabulaanan ng isang doktor ang popular na paniniwalang nakapagpapataas ang munggo ng antas ng uric acid, na sanhi ng sakit na gout.

"Hindi po totoo na ang munggo ay nakakataas ng uric acid," anang rheumatologist na si Dr. Jonathan Paul Consignado sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Ayon kay Consignado, posibleng ang paraan ng pagkakaluto ng munggo ang nakapagpapataas ng antas ng uric acid ng isang tao.

"Masyadong maalat or ginawang adobo na may oil. Iyon po siguro. The way it is being prepared, doon po nagkakaroon ng effect at 'yong amount siguro. 'Pag lumabis ka sa nakatakdang serving ng mga ganitong pagkain," paliwanag ni Consignado.

Ang gout ay karamdamang nagdudulot ng kirot sa mga kasukasuan, lalo na sa paa, bunga ng labis na uric acid.

Ayon kay Consignado, isa sa mga pangunahing sintomas ng gout ay ang pamamaga ng hinlalaki sa paa.

Bagaman lahat naman daw ng kasukasuan ay maaaring maapektuhan ng gout, kadalasan itong nag-uumpisa sa paa dahil doon madaling mag-crystallize ang uric acid gawa ng malamig na temperatura.

"Ang uric acid ng dugo natin ay nagki-crystallize kung saan po malamig iyong temperature. So the farther away from our core 'yong part ng katawan, mas doon nagki-crystallize 'yong acid which is kadalasan doon sa paa," anang doktor.

Maaari umanong mamana ang gout o makuha sa mga kinakain.
Maaari umanong mamana ang gout o makuha sa mga kinakain.
ADVERTISEMENT
Ipinayo ni Consignado sa mga pasyenteng may gout na bawasan ang pagkain ng mga maalat, matataba at matatamis na pagkain.

"Ang pinaka-advise lang po namin sa mga pasyente ay you eat in moderation," aniya.

Puwede rin daw maging kaakibat ang gout ng ibang karamdaman gaya ng high blood o diyabetes.