Bakit nagkakaroon ng stretch marks? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit nagkakaroon ng stretch marks?
Bakit nagkakaroon ng stretch marks?
Pia Regalado,
ABS-CBN News
Published Aug 16, 2016 02:02 AM PHT

Kapag buntis ang isang babae, madalas itong nakikitaan ng stretch marks. Ngunit limitado lang ba sa mga nagdadalantao ang stretch marks na kilala rin bilang "kamot"?

Sa programang "Private Nights," nilinaw ni Dr. Lulu Marquez na hindi lang mga buntis ang nagkakaroon ng striae gravidarum o stretch marks.

Ayon kay Marquez, ilan sa risk factors ng stretch marks ay:
- pagiging babae lalo na ang mga buntis
- may family history ng stretch marks
- labis na katabaan o obesity
- gamot na corticosteroid
- pasyenteng sumailalim sa pagpapalaki ng dibdib
- sakit tulad ng Cushing's syndrome (kung saan numinipis ang balat at bumibigat ang timbang) at Marfan's syndrome
- mga lumalaki ang ilang bahagi ng katawan
- mga nagpapalaki ng katawan sa pamamagitan ng weightlifting

Ani Marquez, ang stretch marks ay ang pagkabanat ng balat kung saan nawawala ang elasticity o hindi na kinakaya ng balat ang pagkaunat nito.

May ilang paraan naman itong binigay para magamot ang stretch marks:
- gumamit ng retinoid cream na may vitamin A para umangat ang collagen
- laser therapy para sa collagen
- microdermabrasion
- magpa-tattoo sa stretch marks para matabunan ito
- alternative medicine tulad ng rubbing cream, oil, lotion

Sa kabila nito, payo ni Marquez lalo na sa mga buntis na sumangguni muna sa doktor bago sumailalim sa anumang gamot para sa stretch marks.

Samantala, binanggit din nito na may mga paraan para maiwasan naman ang stretch marks:
- kumain ng masustansyang pagkain lalo na ang mga pagkaing may Vitamin A, C, E
- kumain ng mga mani na mayaman sa Omega 3 tulad ng almond at walnut
- uminom ng 2 litrong tubig pataas araw-araw
- magpamasahe sa bahagi ng katawan kung saan madalas lumabas ang stretch marks