ALAMIN: Endometriosis na karaniwang sanhi ng dysmenorrhea | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Endometriosis na karaniwang sanhi ng dysmenorrhea

ALAMIN: Endometriosis na karaniwang sanhi ng dysmenorrhea

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 10, 2019 09:44 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Perwisyo para sa mga babae ang makaramdam ng dysmenorrhea o iyong pananakit sa may bahagi ng sikmura at pelvis tuwing nireregla.

Isa sa mga karaniwang sanhi ng dysmenorrhea ay ang kondisyong tinatawag na endometriosis, ayon sa isang gynecologic oncologist.

Ang endometriosis ay ang pagtubo ng endometrium sa bahagi ng katawan na hindi naman talaga dapat nito pinagtutubuan, sabi sa DZMM ni Dr. Richard Ronald Cacho.

"'Yong endometrium napupunta sa ibang parte ng organs — pelvic organs, sa obaryo, sa bituka, puwedeng pumunta rin sa lungs [baga]," sabi ni Cacho sa programang "Good Vibes."

ADVERTISEMENT

Ipinaliwanag ni Cacho na ang endometrium ay ang inner lining sa loob ng matres na nagpapalit kada buwan. Tungkulin umano nitong paghiwalayin ang bahay-bata.

Ilan sa mga sintomas ng endometriosis ay ang cyclical pain o paulit-ulit na pananakit ng bahagi ng katawan ng babae, kadalasan sa balakang o puson, kasabay ng pagreregla, ayon sa doktor.

Puwede rin daw maramdaman ang pananakit sa likod, at kung malala ang endometriosis ay mararamdaman din ang pananakit sa pagdumi at pag-ihi.

Genetics o namamana ang endometriosis.

"Kung ang nanay mo ay may endometriosis, mayroon kang 7 times chances na magkaroon din ng endometriosis," ani Cacho.

Isa raw sa mga paraan ng paggamot sa nasabing kondisyon ay ang pagpigil sa pagregla ng babae.

Ayon kay Cacho, ang pinakamabisang paraan para malaman kung ang isang babae ay may endometriosis ay ang laparoscopy o iyong operasyon para masilip ang tiyan.

Pero iginiit ng doktor na hindi lahat ay kayang magbayad para magpa-laparoscopy.

"So nagre-rely na lang kami sa aming clinical eye. Kung ito ay masakit, may cyclical pain o buwanang pananakit ng puson, puwede nang sabihin na endometriosis siya," anang doktor.

Puwede rin umanong makita ang endometriosis sa ultrasound.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.