ALAMIN: 'Sobrang' pagkahumaling ng anak sa gadgets, paano makokontrol? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: 'Sobrang' pagkahumaling ng anak sa gadgets, paano makokontrol?

ABS-CBN News
Published Jun 05, 2018 05:47 PM PHT
|
Updated Jun 05, 2018 06:23 PM PHT

Parte na ng pang-araw-araw na buhay ng karamihan ang paggamit ng gadgets at hindi maiiwasan na masyadong makahiligan ito ng ilan, kabilang ang mga bata.

Ang problemang ito ang usaping tinalakay sa programang "Sakto" ng DZMM.

Ayon sa eksperto, mas makatutulong kung magkasamang bibigyan ng solusyon ng mga magulang at anak ang problemang pagkahumaling sa gadget.

"Mas magwo-work 'pag hindi control [but] rather involvement," ani Elline Santos, isang psychologist.
"Mas magwo-work 'pag hindi control [but] rather involvement," ani Elline Santos, isang psychologist.
ADVERTISEMENT
Aniya, kailangan kausapin ng mga magulang ang mga anak kapag gagawa ng kondisyon kaugnay sa paggamit ng gadget.

"If you involve the child, mapi-feel niya na may autonomy siya," dagdag ni Santos.

Kailangan din umano ay paunti-unti lamang ang pagbawas sa nakalaang oras sa paggamit ng gadget upang mapasunod ang mga anak.

"For example, kung 4 hours a day siya gumagamit, pwedeng the following day eh 3 hours na lang, paunti-unti hanggang masanay siya," ani Santos.

Dagdag ng eksperto, kapag nakagawa ng katuwa-tuwa ang mga anak ay posibleng ibigay bilang gantimpala ang paggamit ng gadget.

Paalala rin ni Santos, bukod sa oras ng paggamit ay kailangan subaybayan din ng mga magulang ang mga pinapanood o ginagawa ng mga anak sa internet.

Ang sobrang paggamit ng gadget ay maaaring magdulot ng pagbabago sa ugali kabilang ang pagiging agresibo at pagpapakita ng senyales ng depresyon.

Payo ng eksperto, upang maiwasan ang pagiging dependent ng mga anak sa gadget ay maaaring i-enroll ang mga ito sa iba't ibang aktibidad upang mabaling ang atensyon.