SUMMER PASYALAN: Mga isla sa Linapacan, Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SUMMER PASYALAN: Mga isla sa Linapacan, Palawan

SUMMER PASYALAN: Mga isla sa Linapacan, Palawan

ABS-CBN News

 | 

Updated May 08, 2019 01:37 AM PHT

Clipboard

PALAWAN - Swak na pasyalan ngayong tag-init ang bayan ng Linapacan sa Palawan dahil sa mala-paraisong ganda ng mga isla.

Sa Maonsonon Island, pino at puting buhangin ang sasalubong sa mga bisita. Iba't ibang species rin ng isda ang puwedeng makasabay sa snorkeling.

Instagrammable photos naman ang makukunan sa sandbar ng Magransing Island.

"The experience is so nice. I love the beaches and the snorkeling sites where you can see fishes are playing," ayon sa turistang si Roman Mudroch.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Swak na tambayan para sa masarap na tanghalian ang Linapacan Tourists Camp. Puwede ring mag-overnight sa halagang P750 para sa 2 tao.

Binansagan naman ng isang travel magazine na "clearest water in the world to swim in before you die" ang Kala-Kala Island.

"Maitatapat mo talaga siya sa mga tourist spots, gaya ng El Nido at Coron, pero naiiba ito kasi magkakaroon ka talaga ng peace of mind dahil halos ma-solo mo ang mga isla," ani Lea Dellosa, may-ari ng isang travel agency. - Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.