ALAMIN: Iba-ibang klase ng vaginal discharge | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Iba-ibang klase ng vaginal discharge

ALAMIN: Iba-ibang klase ng vaginal discharge

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2019 06:36 PM PHT

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Normal para sa mga babae ang makaranas ng vaginal discharge o pagkabasa sa maselang bahagi, pero may ilang mga katangian ang "discharge" na maaaring magpahiwatig ng impeksiyon, ayon sa isang gynecologist.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM, tinalakay ni Dr. Judy Ann Uy-De Luna ang iba-ibang klase ng vaginal discharge.

Ayon kay De Luna, normal para sa mga babae ang makaranas ng discharge bago reglahin o tuwing nag-o-ovulate o "iyong panahon na mangingitlog ang mga kababaihan."

"Itong discharge na 'to should just be like white to yellow, hindi siya dapat mabaho, hindi siya dapat makati," paliwanag ng doktora.

ADVERTISEMENT

Kapag ang discharge ay may pagkakulay gray o abo at may malansang amoy, maaari itong sintomas ng bacterial vaginosis o ang pagkakaroon ng bakterya sa vagina, ayon kay De Luna.

Vaginal candidiasis naman daw ang posibleng kondisyon kapag ang discharge ay "puting-puti" o mala-cottage cheese, at nagdudulot ng pangangati.

Ang vaginal candidiasis ay fungal infection sa maselang bahagi ng katawan ng babae.

Kapag "madami" at "pungent" o masangsang ang discharge, posible raw itong sintomas ng trichomoniasis, isang sexually-transmitted diseases o kondisyong naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Marami raw salik na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng vaginal discharge gaya ng pagbabago sa hormones ng babae, pagbabago ng estrogen level, stress, at iritasyon dahil sa mga gamot na iniinom.

Hindi dapat hayaan ang impeksiyon sa vagina dahil puwede rin itong maging sanhi ng pagkabaog kapag nakarating sa fallopian tube, ayon kay De Luna.

"That could just easily go up... Maha-harm po 'yong reproductive organ that could cause infection doon sa magiging bahay-bata [or] fallopian tube," ani De Luna.

"If that infection is left untreated, puwede pong magsara 'yong fallopian tube, magbabara, and thus it will cause infertility problems in the future," dagdag niya.

Ipinayo ni De Luna ang pagpapalit ng panty liner kada 3 o 4 oras, paggamit ng cotton underwear, at pag-inom ng maraming tubig para lumakas ang resistensiya.

Sinabi rin ni De Luna na dapat iwasan ang araw-araw na paggamit ng vaginal wash dahil may taglay itong mga kemikal na nakakaantala sa "normal flora" ng vagina.

"We only use that one using it twice a day kung may regla tayo," paliwanag niya.

"You may use your regular moisturizing soap tapos every other day na lang paggamit ng vaginal wash," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.