Gaano karaming kanin ang dapat kainin bawat araw? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gaano karaming kanin ang dapat kainin bawat araw?

Gaano karaming kanin ang dapat kainin bawat araw?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi nawawala sa hapag-kainan ng mga Pinoy ang kanin.

Ngunit ayon sa isang nutritionist, dapat ay sapat lang ang pagkonsumo nito kada araw.

"Ang kanin, very important source po ng energy para magkaroon ng lakas ang isang indibidwal, pero dapat enough lang 'yung amount ng kanin na kakainin," sabi ni Katherine Villanueva, nutrition officer ng National Nutrition Council (NNC), sa panayam sa programang "Sakto" sa DZMM.

"Kasi kung mas marami 'yung kakainin mong kanin tapos kaunti lang ang ulam, basically, ang makukuha mo lang, carbohydrates at kakaunting protina," paliwanag nito.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Villanueva, dapat ay nasa 1/3 lang ng plato ang dami ng kanin.

Bukod sa kanin, makabubuti rin aniya ang pagkain ng masusustansiyang pagkain para maabot ang kinakailangan na nutrients ng katawan kada araw.

Nasa 40 nutrients ang kinakailangan ng katawan kada araw, ayon kay Villanueva.

"May tinatawag tayong 'Pinggang-Pinoy' so sa pinggan mo, hatiin mo, 'yung unang kalahati, dapat ang laman niya ay gulay at prutas, mas marami 'yung portion ng gulay, then 'yung other half, 'yun iyung portion for the kanin at saka ulam na mas marami naman 'yung sa kanin," ani Villanueva.

Maaaring pamalit sa kanin

Kung health-conscious naman, maaaring ipalit sa kanin ang kamote, kamoteng kahoy, mais, at brown rice.

ADVERTISEMENT

"Kasi 'yung kanin natin, ang kalimitang kinakain ng Pinoy, 'yung well-milled rice o 'yung sobrang puting bigas, kapag ito 'yung kinakain mo talaga, mas mabilis tumaas 'yung blood glucose mo, so hindi siya maganda lalo sa mga diabetic," sabi ni Villanueva.

Aniya, ang kamote, brown rice, at mais ay mayaman sa fiber na makatutulong para mapababa ang lebel ng blood cholesterol sa katawan.

Nakakatulong din aniya ang fiber para hindi kaagad makuha ng katawan ang glucose sa mga pagkain.

Ayon pa kay Villanueva, maaari ring ipalit sa kanin ang whole wheat bread.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.