'Labis na pagkakape, energy drink, maaaring makasama sa katawan' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Labis na pagkakape, energy drink, maaaring makasama sa katawan'

'Labis na pagkakape, energy drink, maaaring makasama sa katawan'

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 20, 2019 04:02 PM PHT

Clipboard

Sandigan para sa ilan ang mga caffeinated drink tulad ng kape at energy drink, lalo na kapag puyat, pagod, at walang enerhiya.

Kinahihiligan man at kinakailangan para sa dagdag-enerhiya, nagbabala ang doktor na si Nemy Nicodemus na nakakapinsala sa katawan ang labis na pag-inom nito.

Mayroon kasing mga sangkap ang mga nasabing inumin na maaaring magdulot ng diperensiya sa iba't ibang parte ng katawan ng indibidwal, tulad ng pagbilis ng tibok ng puso at altapresyon dahil sa sobrang caffeine.

Maaari rin itong magdulot ng labis na pagkalungkot o depression.

ADVERTISEMENT

"Nagiging lito ka na. Doon na din papasok ang palpitation, dahil sa sobrang stimulation nanginginig. Ito ang senyales na sobrang daming intake ng caffeine," ani Nicodemus, na isang endocrinologist, sa "Good Vibes" ng DZMM.

Bukod sa kape, may caffeine rin sa mga energy drink na iniinom ng mga hindi mahilig uminom ng kape.

Nagbabala si Nicodemus na mas malaki ang epekto ng mga energy drink dahil may sangkap itong kung tawagin na guarana - na nagpapatindi ng epekto ng caffeine na naroon na sa energy drink.

Hindi rin umano hinihikayat ang labis na pag-inom ng energy drink ng mga atleta, lalo na sa mga hindi hiyang sa mga inuming may caffeine.

Dapat lamang daw maging "last option" ang pag-inom ng energy drinks, partikular na kung wala nang ibang panggagalingan ng enerhiya ang atleta.

ADVERTISEMENT

"Walang ibang posibleng source ng energy at that point. Pero it's not something that's routinely recommended. In fact hindi ito palaging kasama sa mga recommendation ng athletes, may side effect din 'to for people who are overly sensistive," aniya.

May umano'y ilang pag-aaral na rin na nakakapagpatunay ng "kabaligtarang" epekto ng caffeinated drink kapag nasobrahan nito, tulad ng pagkatuliro o pagkaantok.

"Hindi pareho ang epekto ng kape sa iba't ibang tao. For some people walang epekto. It depends on the person and hindi pa maipaliwanag [ng siyensiya] kung bakit iba iba ang epekto ng kape sa isang tao," aniya.

Bagama't nakakatulong ang pag-inom ng caffeinated drinks sa tao, mas inaanyayahan ni Nicodemus ang pagtulog nang wasto gabi-gabi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.