ALAMIN: Mga sintomas ng hyperhidrosis o labis na pagpapawis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga sintomas ng hyperhidrosis o labis na pagpapawis

ABS-CBN News
Published Apr 08, 2019 04:27 PM PHT

May mga pamantayang tinitingnan ang mga doktor sa pasyente bago masabing siya ay may kondisyong hyperhidrosis, ayon sa isang doktor.

Ang hyperhidrosis ay kondisyon na labis na pagpapawis ng katawan nang walang dahilan, ayon sa dermatologist na si Dr. Martha Joy Bruan-Tapales.

"Hindi naman siya mainit pero kapag may hyperhidrosis ako, kahit nakaupo lang ako papawisan ako nang sobra. Walang reason," paliwanag ni Tapales sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Ayon kay Tapales, ang pagpapawis ay isang paraan ng katawan para magpalamig kapag nasa mainit na kapaligiran.
Ayon kay Tapales, ang pagpapawis ay isang paraan ng katawan para magpalamig kapag nasa mainit na kapaligiran.
ADVERTISEMENT
Subalit kung hindi naman mainit ang kapaligiran at labis-labis ang pagpapawis, maaari aniya itong sintomas ng hyperhidrosis.

Masasabi ring hyperhidrosis kung ang pagpapawis nang walang dahilan ay tumagal na ng 6 buwan.

Posible kasing may ibang salik na naging sanhi ng pansamantalang pagpapawis nang labis, ayon kay Tapales.

"Baka mayroon lang siyang nainom before o mayroon lang siyang pinagdaanan that would have caused her to sweat more," ani Tapales.

Isa rin umano sa mga katangian ng hyperhidrosis ang pagiging "bilateral" ng pagpapawis.
Isa rin umano sa mga katangian ng hyperhidrosis ang pagiging "bilateral" ng pagpapawis.
ADVERTISEMENT
"Kung ang problema mo, underarm o kili-kili, kailangan pareho siya [nagpapawis], kung ang problema mo, 'yong kamay, kailangan parehong kamay," paliwanag ni Tapales.

Madalas daw ang hyperhidrosis sa mga may edad 25 pababa.

Kapag lagpas 25 anyos, ayon kay Tapales, posible raw itong "secondary hyperhidrosis" o iyong labis na pagpapawis dala ng ibang sakit gaya ng obesity o labis na katabaan.

Ayon pa kay Tapales, maaaring mamana ang pagkakaroon ng hyperhidrosis.

Nilinaw naman ni Tapales na hindi porke may hyperhidrosis o sobra kung magpawis ay may body odor na o mabaho ang amoy ng pawis.