'Kilay is life,' naging daan sa pag-asenso ng isang lalaki | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kilay is life,' naging daan sa pag-asenso ng isang lalaki

ABS-CBN News
Published Mar 29, 2018 02:29 PM PHT

Marami na ngayon ang nagbibigay ng kahalagahan sa kanilang panlabas na hitsura para maging kaaya-aya sa mata ng iba.

Isa sa mga bahagi ng mukha na handang gastusan para mapaganda lalo ay ang kilay.

Labindalawang taon nang nagtatrabaho sa salon si Edwin Lisa bago maisipang magtayo ng sariling negosyong may kinalaman sa eyebrow embroidery, kung saan ginagamitan ang kilay ng blade o talim at tinta para mabigyan ng tila natural na kapal.

"Habang nasa operation ako ng salon, mayroon isa-isang nagtatanong tungkol sa kilay, kung paano ba mabubuo at di na kailangan i-pencil araw-araw. Doon na nag-umpisa," kuwento ni Lisa sa programang "My Puhunan."

Lumipad pa si Lisa sa Singapore para mag-aral ng eyebrow embroidery. Nakakuha rin siya ng certification in nano 3D embroidery.

Ayon kay Lisa, mas modernong paraan ang eyebrow embroidery o pagboborda sa pagpapaganda ng kilay.

"Dati ang uso ay eyebrow tattoo na nagtatagal ng mahigit lima hanggang bente taon. Binago na 'yong konsepto na semi-permanent na lang, nagtatagal ng isa hanggang dalawang taon," paliwanag ni Lisa.

Dagdag pa niya, hindi basta-basta ang pagpapaganda ng kilay dahil maraming salik ang kailangang isaalang-alang, gaya ng hugis ng mukha.

Unang inialok ni Lisa ang kaniyang serbisyo online hanggang sa siya'y nakilala, nakaipon, at nakapagtayo ng mga puwesto sa iba't ibang mall.

Hindi rin biro ang kinikita ni Lisa mula sa mga kostumer, na nasa P9,900 hanggang P21,000 depende sa kapal ng kilay na kailangang ilagay.

Nasa lima hanggang walong kostumer ang sineserbisyuhan ni Lisa kada araw, na karaniwan ay nasa edad 30 hanggang 50 anyos.

"'Yang kilay kasi napakahalaga sa kanila para paggising nila sa umaga, nakahanda na sila para pumasok. So ligo na lang, kaunting make-up, ayos na. 'Di na maglalaan ng oras para sa kilay nila," aniya.