ALAMIN: 18 uri ng paghalik | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: 18 uri ng paghalik

ALAMIN: 18 uri ng paghalik

DJ Arcon,

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi mapipigilan ang paglapat ng mga labing uhaw sa pag-ibig, kasabay ng pagpikit ng mga mata at mahigpit na mga yakap, sa oras na ang tao ay makaramdam ng atraksyong humahatak sa dalawang pusong naglalapit.

Isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ang paghalik. Ngunit, alam mo ba kung anong tawag sa mga paghalik na ginagawa ninyo?

Sa programang "Private Nights" ng DZMM, inilahad ni Dr. Lulu Marquez ang iba't ibang uri ng halik.

Ayon sa doktora, narito ang 18 uri ng mga halik:

ADVERTISEMENT

1. Friendly kiss. Tinatawag din itong "peck on the cheek" na kung saan pasimpleng dumadampi ang mga labi sa pisngi ng iyong ka-partner.

2. Butterfly kiss. Kapag magkalapit ang inyong mga mukha, ang unang magdidikit ay ang mga pilikmata bago ang mga labi.

3. Single lip kiss. Isang uri ng halik na kung saan ang unang hinahalikan ay ang itaas o ibabang labi.

"Wala pang kagatan [ng labi] dito," ayon kay Marquez.

4. Eskimo kiss. Ito ay isa sa mga kanluraning kultura na kung saan pinaglalapat ng dalawang tao ang dulo ng kanilang mga ilong. Kilala rin ito sa tawag na "nose-to-nose".

ADVERTISEMENT

5. Spiderman kiss. Katulad ng sa palabas na Spider Man, tinatawag itong "kissing upside down" o paglalapat ng itaas na bahag ng labi sa ibabang bahagi ng labi ng kanyang ka-partner.

6. Lip gloss kiss. May mga babae na naglalagay muna ng lip gloss bago sila makipaghalikan sa kanilang kasintahan.

Para kay Marquez, may mga lalaki na ayaw ito, pero "it's one way of teasing your partner."

7. Lingering kiss. "It is a movie type of kiss... matagal," ani ng doktora. Dito ay magkadikit lamang ang mga labi ninyo pero hindi ito bumubuka.

8. Hand kiss. Isa sa pagpapakita ng respeto o paggalang sa inyong ka-partner ang ganitong uri ng halik.

ADVERTISEMENT

9. Air kiss. Kilala rin sa tawag na "flying kiss".

10. Neck kiss. "Kissing someone on the neck is also an intimate kiss because neck is one of the erogenous zones," sabi ni Marquez.

11. Nose kiss. Simpleng paghalik sa ilong.

12. A kiss on the eyelid. Karamihan sa mga lalaki ang gustong hinahalikan sa talukap ng mga mata.

13. Forehead kiss. Tinatawag rin itong "healing kiss". Ayon kay Marquez, "It is a sign of affection sending a magic of healing."

ADVERTISEMENT

14. Teaser kiss. Nagsisimula ang paghalik na ito mula sa noo, pababa ng ilong hanggang sa maglapat ang inyong mga labi.

15. The heads ask you kiss. Ito ay isang uri ng halik na kung saan ang ulo ninyong dalawa ay magkasandal. "One person's head leans on one way, while the other person's head leans the other way," sabi ni Marquez.

16. French kiss. Bukod sa kumikilos ang labi habang nakikipaghalikan ka sa iyong ka-partner, sumasabay din sa ritmo ng inyong halikan ang mga dila.

17. Pressure kiss. Kadalasan ay ito ang uri ng halik na ginagawa ng mga taong napalayo ng matagal. Makararamdam ng mas madiin ng halik kumpara sa ibang uri ng halik.

18. Throbbing kiss. Ito ang uri ng halik na kung saan hindi na nakokontrol ng tao ang kanilang sarili dahil sa matinding bugso ng damdamin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.