'Detoxification,' ipinapayo kontra lungkot dulot ng social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Detoxification,' ipinapayo kontra lungkot dulot ng social media

'Detoxification,' ipinapayo kontra lungkot dulot ng social media

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patok ang social media lalo na sa mga kabataan at halos lahat ay may sariling account sa mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram.

Pero sa inilabas na pag-aaral ng Time, nasa 11 milyon na kabataan mula 2011 ang tumigil na sa paggamit ng Facebook.

Hindi pa tukoy ang lahat ng dahilan nito pero isa sa posibleng sanhi ay dahil nakakapag-trigger ang social media ng lungkot, stress, at depresyon sa iba.

Sa isang artikulo naman ng The Guardian, sinabi na marami ang nagiging masaya kapag nag-quit sila sa social media.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa adviser ng Youth for Mental Health Coalition na si Dr. Gia Sison, depende rin ito sa paggamit ng social media.

“’Yung mga dictates ng society [na] dapat ganito ako. Kung may depression ka at wala ‘yung buhay na ‘yun sayo, puwedeng maging trigger ‘yun,” ani Sison.

Payo niya, subukan ang social media detoxification kapag nakararamdam ng pagkalungkot na dulot ng social media.

Ang social media detoxification ay ang hindi paggamit ng social media sa loob ng 21 araw, at pagbalik ng human connectivity o pakikipagkuwentuhan, pakikipag-usap nang personal.

May paalala rin si Sison para sa mga sinasabihan o nilalapitan kapag may problema.

“Never invalidate the feeling. Arte lang, drama lang, kulang sa pansin, ‘yun ‘yung stigma na sinasabi ko na sana mawala,” aniya.

Maaari rin aniyang tumawag sa Department of Health (DOH) HOPELINE sa numerong (02) 804-4673 at 0917-558-4673, at huwag mahihiyang humingi ng tulong.

Puwede ring maghanap ng mga social media support groups para matulungan.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.